Papel

553 18 10
                                    

Ang alam ko ay gawa ka sa kahoy
Matibay at hindi basta-basta nananaghoy
Mahalaga ka sa bawat batang palaboy laboy
Bihira lang kasi nilang mahawakan ka at maamoy.

Kakambal mo si bolpen o si lapis
Makapal ka man o maninipis
Ika'y sadyang kanais-nais
Huwag lang mabahiran nga galis.

Kahit lumipas na ang ilang daang taon
Kahit moderno na ang panahon
Kahit saan man ako magtrabaho at lumingon
Bahagi ka pa rin buhay namin noon at ngayon.

Kahit punit punitin ka
Kahit tusuk tusukin ka pa
Kahit gawing pampunas sa pwet ng iba
Lahi mo ay hindi na malimot limot pa.

Makabago man ang gamit ngayon
Makaluma man ang tawag nila sa noon
Kahit panahon ay hindi sumasang-ayon
Papel, salamat sa binigay mong pagkakataon.

Pagkakataong pasalamatan ka
Pagkakataong bigyan ka ng importansiya
Pagkakataong maging bahagi
Ng bansa nating di alam kung magbabago pa.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now