Pagbati

157 1 0
                                    

Ikinagagalak kong
ika'y makilala.
Makilala ang
bawat mong nagawa,
Na tumatak sa akin,
at sa buong madla.

Handa kang tumulong,
sa kahit anong paraan.
Bigyang pansin,
iba naming kahilingan.
At laging natutugunan,
ang aming kinahuhumalingan.

Ngayon, kami naman,
ang magbigay saya,
sa iyong kalungkutan.
Isang simpleng tula,
sa isang simpleng tulad ko,
ang nais kong ibahagi.

Dalangin kong sana,
ika'y laging nakangiti.
Kalimutan mo sandali,
ang iyong mga pighati.
Bigyang daang muli,
ang pagsilay ng iyong ngiti.

Isang araw na naman,
ang dumagdag sa iyo.
Sana'y magpatuloy pa,
ang bawat nasimulan mo.
Huwag na huwag lamang,
lumaki ang iyong ulo.

Maraming salamat,
sa iyong pagtanggap.
Sa isang tulad kong,
makata't manunulat.
Na walang ibang hiling,
Kung hindi ikaw ay mag-ingat.

Bow...

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now