Mesa

182 4 0
                                    

Maisasalarawan mo ba?
Makakaya mo ba?
Mangangalay ka ba?
Kung kakain ka ng walang mesa?

Nasanay ka bang kumain sa mesa?
Nasasarapan ka bang kumain sa harap niya?
Nalalasahan mo ba ang bawat kanin at ulam na sinusubo mo kahit kamayan pa?
Hindi ba't masaya kapag may mesa?

Kahit gawa pa siya sa kahoy o tanso,
Sa ginto o pilak man nagniningning ito.
Kung hindi mo alam ang kahalagahan niya sa buhay mo,
Wala pa ring kwentang bagay siya sayo.

Sa halip na sirain kapag tayo'y galit o nalasing,
Bakit di mo linisin, ayusin, at bigyang ningning?
Kahit dumihan o sukahan mo pa iyan ng may pagkaduling,
Kasama na yan sa buhay nating minsan nang naging piging!

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now