Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto

106 6 0
                                    

Puso'y tumibok,

Hindi hinimok.

Kusang sumibol,

Hindi naghabol.

Naramdaman ang pintig,

Binuhay ang pag-ibig.

Nagmahal nang buong puso,

Umibig nang totoo.

Ngunit...

Hindi sinuklian.

Hindi ipinaglaban.

Ipinagpalit sa iba,

Iniwang mag-isa.

Luhaan ang mata,

Damdami'y nagdusa.

Piniga't sinaktan,

Nawalang saysay ang ipinaglaban.

Kaya...

Nagmukmok sa kuwarto,

Nagkulong, nagtago.

Sarili'y inilayo,

Nanlumo, tuliro.

Tulala't mga mata'y mugto

Hindi kinakausap ang ibang tao.

Nabaliw, nagpakatanga.

Nagmahal na nga lang, nasaktan pa.

Subalit..

Buhay ko'y mahalaga.

Pamilya ko'y naririyan pa.

Sarili ko'y nilikha,

Nang isang Diyos na mapagpala.

Maging matatag ako,

Kakalimutan ang sakit at magsisimula.

Matututo ako,

Magbabalik- loob ako sa Kanya...

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now