Tula

178 1 0
                                    

Tuluyan mang nakalimutan,
ng iba ang tanghalan,
O di kaya'y pinalitan,
ang bawat talasalitaan,
Paano pa ang balagtasan,
na tula ang pinagmulan?

Ulanin man ng batikos,
ang manunulang naghihikahos.
Paksa'y laging tumatagos,
Hindi agad-agad nauupos.
Kaagapay ang Diyos,
sa talentong ibinuhos.

Labis akong natutuwa,
Ngiti'y hindi maipinta.
Sapagka't bawat salita,
Puso ang ipinunla,
Damdamin ang humusga,
Pag-ibig ang dakila.

Ako'y nananalangin,
Na sana'y ating ibigin.
Ang bawat tula natin,
Na tumatak sa damdamin.
Gawing insipirasyon,
Sa bawat nating saloobin.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now