Tulay

245 7 1
                                    

Taon ang bibilangin,
Upang ito ay ayusin.
Nang ang isang bayan,
Ay makatawid sa kabilang baybayin.

Malimit kang makikita,
Sa malalayong probinsiya.
Ika'y napakahalaga,
Sa araw-araw nilang pagawa.

Hindi nila kailangang magbangka,
Kung makakalakad naman sila,
Gamit ang tulay na ginawa,
Para makarating sa isang bayan pa.

Sa mga batang paslit,
Sila ay sadyang kumakapit.
Sa iyong mga lubid na napakalapit,
Upang hindi mahulog at makakasabit.

Moderno naman ang panahon.
Sementado na rin ang daan ngayon.
Pero hindi nila maitatanggi ang kahapon.
Dahil may tulay na dinaanan pa tayo noon.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now