Kasalan (posted at SBC June 2015 Issue)

370 8 8
                                    

Nagsimula sa pasulyap-sulyap,
Nakalimutan pang kumurap-kurap,
Kapag nagtama ang paningin niyo ni crush,
Hanggang mga mata na lang ang nangungusap.

Naging magkaibigan,
Napunta sa ligawan,
Biglaang magkasintahan,
Hanggang sa araw-araw ng naglalambingan.

Kahit sino pinagseselosan,
Kamag-anak, kapatid, o matalik na kaibigan,
Si babae at lalaki'y nagbabangayan,
Nakalimutan na ata ang kanilang pinagsamahan.

Kahit pa nabasa ng ulan,
Kahit sa tindi ng sinag ng araw ay pinagpapawisan
Natigil naman ang anumang di pagkakaunawaan.

Lumipas ang maraming taon,
Hindi na binigyan ng pagkakataon,
Ng lalaking maagaw ng panahon,
Si babaeng minahal niya noon hanggang ngayon.

Nagdesisyong magpakasal,
Itinali sa harap ng altar, ni isa walang umangal.
Simple man o magarbo ang kasal,
Sa mata ng Diyos, magsing-irog ay sadyang Niyang minahal.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now