Hiling Ko

215 1 0
                                    

Tatlumpong taon akong nabuhay,

Nabuhay sa mundong halos walang kulay,

Kulay na kung tutuusin dapat ay may kasiyahang taglay,

Taglay ang pag-asang makikita pa rin kitang buhay.

Kahit na ika'y nasa malayo,

Malayong-malayo sa piling ko,

Sa piling kong uhaw na uhaw sa pagmamahal mo,

Pagmamahal mong dekada ng hinihiling ko.

Sana nasa mabuti kang kalagayan,

Kalagayang hinangad kong ika'y matagpuan,

Matagpuan sa kahit na anong paraan,

Sa paraang hindi ka kailanman makakalimutan.

Sana ika'y aking magisnan,

Makita at mahigpit na mahagkan,

Mahagkan at hindi na muling iiwanan,

Iiwanan ang kalungkutan at palitan na ng kasiyahan.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now