Siya'y Isang Makata

160 2 0
                                    

Kilala mo ba siya?
Naalala mo ba ang mga ginawa niya?
Hindi lang buhay ang ibinuwis niya,
Siya ay isa ring makata.

Mula sa pagkabata,
Sa kanyang pagbibinata,
Maging sa kanyang pakikibaka,
Isa siyang makata.

Sa mga salitang isinulat niya,
Sa mga katagang binigkas niya,
Sa mga wikang isiniwalat niya,
Matunog na matunog ang pagiging makata niya.

Kung tawagin siya noon ay Pepe,
Mahilig sa bangkang papel at laging henehele-hele,
Ng kanyang inang tinuruan ding mag-do-re-mi,
Upang bigkasin ng tuwid ang bawat sinasabi.

Simple man ang mga salitang ginamit niya,
Tagos naman sa puso ng bawat mambabasa,
Naging kalaban pa siya ng ilang prayle't inalipusta,
Pagiging makata niya'y naging dahilan ng pagkamatay niya.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now