Agila

307 2 0
                                    

Ilang daang taon niyo akong nakasama.
Mula sa aking ama at ina'y lahi ko'y paubos na.
Hanggang sa ako'y naisilang, lahat ay maligaya.
Sapagkat ang pambansang ibon ay mabubuhay pa.

Paningin kong kasiyahan ang makikita.
Pandinig kong dinig na dinig ang inyong pagtawa.
Pang-amoy kong amoy na amoy ang iyong pang-unawa,
At pandama kong ramdam ang inyong pagkalinga.

Nagagalak akong kayo'y pagmasdan.
Kapakanan ko'y una sa inyong listahan.
Iniisip ako't gumagawa ng paraan,
Upang lahi ko'y hindi mapabayaan.

Nguni't bakit ang iba'y napakalupit?
Hindi ako minahal, kalayaan ko'y ipinagkakait?
Hindi pinahalagahan, damdami'y naghihinakit?
At sa isang iglap, pinatulog ako't sino ang ipapalit?

Pagkain lamang ba ang turing nila sa akin?
Hindi ba nila alam ang paninibugho ng aking damdamin?
Nasaan na ang suportang habang buhay kong babaunin?
Kung ang nag-iisang tulad ko'y wala na sa inyong paningin?

Sana'y maging masaya kayo't ako'y huwag na limutin.
Dahil ang isang tulad ko'y sa kasaysayan na lamang aaralin.
Sa mga musmos na bata magsisimula ang bagong adhikain,
Na maging malaya ako at ang buong bansa natin.

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon