Paasa

196 3 0
                                    

Nang tumibok itong abang puso ko,

Hindi napigilan ang labis na pagsusumamo.

Atat makilala ka mula Lunes hanggang Linggo.

Upang isakatuparan ang panliligaw ko.

Mga rosas kong dala-dala,

Ipinapahiwatig na ako'y may pagtangi na.

Tsokolateng galing pa sa ibang bansa,

Nagbabakasakaling maging tayo na.

O, kaylapad ng iyong mga ngiti.

Nasisilayan ko pati beloy mo sa pisngi.

Mariring ko na ba kahit na sandali,

Ang matamis mong 'Oo' o 'Hindi'.

Isang taon kitang niligawan.

Araw-araw akong nakikipagsuyuan

Linggo-linggo pang hatid-sundo kita sa daan.

Masiguro lamang ang iyong kaligtasan.

Subalit, mali ako. Maling-mali ako.

Ika'y nakipagmabutihan sa ibang kalahi ni Adan.

Ilang linggo lang na sayo'y nakipagligawan,

Ibinahagi mo agad ang tunay mong nararamdaman.

Pinaasa mo ako. Pinaasa-asa.

Porke't matangos ang ilong niya,

Makisig at artistahin ang mukha,

Nahulog ka na't sadyang malalim pa.

Sana hindi ako nagpakatanga.

Sa mga pinakita mong puro paasa.

Kung ang kapalit pala,

Ay damdaming kong sawi't magdurusa.


Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now