Kakaibang Aura

173 1 0
                                    

Alam kong makulit ka,
Kitang-kita ang matapang mong aura,
Pero pansin ko ang pagmamahal mo bilang isang ina,
Sa iyong na anak na sadyang mahal na mahal mong talaga.

Isa ka sa SBCian's na sa tingin ko'y kinatatakutan,
Nguni't iniiwasang maging marupok at magalit kanino man.
Isang taong may paninindigan,
Tapat sa tungkulin, gawain, at responsabilidad kapag kailangang-kailangan.

Hiling ko lamang na ika'y makilala pa ng lubusan,
Hindi lamang sa mundo ng EW na alam mong alam mo 'yan,
Kung hindi sa ibang mundo ng pagsusulat na iyo ring kinahihiligan.
Kinahihiligang sana lahat tayo ay isa-isang umangat at mapagtagumpayan.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now