Ang Wika Natin

968 5 1
                                    

Kaliwa't kanan kung sinuri,
Mapa-dyaryo man o hindi,
Mapa-telebisyon man radyo,
Malapit na talagang ito ay maglaho.

Hindi ibig sabihing may banyaga,
Kakalimutan na natin ang ating wika.
Pambansang wikang daan taon ng ipinakilala,
Nang ating ninuno't ibang bayaning dakila.

Filipino nga ang aralin asignaturang meron ka,
Pero kung sumagot naman ay nabubulol pa.
Nahihirapan ka bang ipahayag sa Tagalog ang iyong salita?
O magpakitang gilas mag-ingles ng maging sikat ka.

Noong ako'y nag-aaral pa,
Sa wikang Tagalog ako iniimbita.
Hindi para maging kilala,
Kundi maging kalahok sa buwan ng wika.

Mapa-balagtasan man o talumpati,
Mapa-Balagtas man o Rizal ang piyesang pinili,
Taas noo akong tinanggap ang hamon at ngumiti.
Dahil alam kong ang wikang Filipino ay mananatili.

Nguni't unti-unti na natin itong nakakalimutan.
Nasaan na ang nag-uumapaw nating kasabikan,
Kapag naisadula ang mga dagli, kwento, o tula sa bulwagan?
Namamatay na ba ang salita ng ating kasarinlan?

Huwag nating hintaying ito'y mawala.
Kahit saan ka man sa mundo, basta Pilipino ka,
Gamitin mo ang katutubo mong salita o pambansang wika.
Dahil magbubuklod sa bawat isa.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now