Krimen

991 5 1
                                    

Sa araw-araw na ako'y naglalakbay,
Sa linggo-linggong ako'y sumusubaybay,
Kapansin-pansin ang krimeng sadyang buhay na buhay.
Hindi ko alam kung bakit hindi yata namamatay,
Sa halip kaliwa't kana itong sumasabay.

Bata man matanda,
Dalaga man o binata,
May asawa man o wala,
Nasa sinapupunan pa man o kasisilang pa,
Walang sinisino-sino ang may sala.

Lahat na ng kampanya ay isinusulong na,
Bawat mamamayan ay nakikisimpatiya,
Nasa loob man ng bansa o nasa abroad sila,
Nananalangin na sa bawat oras na inaaksya,
Krimen ay tuluyan ng masugpo't mawala ng parang bula.

Kaya payo ko sa lahat ng tao,
Kung kailangang umiwas, umiwas tayo.
Ang maliit na alitan ay kalimutan ninyo,
Huwag ninyong hayaang lumaki pa ito,
At maging krimeng buhay ang itataya mo.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now