Bibliya

1K 6 0
                                    

Ilang libong taon o dekada na ba,
Simula nang ika'y nilikha?
Ng isang Diyos na dakila,
At mapagmahal sa kanyang ginawa.

Isang simpleng libro.
Isang aklat na minsa'y itinago,
Upang hindi mapunit nang kahit na sino,
Nakaligtaan pang basahin ng lahat ng tao.

Ilang pahina na ba ang iyong nabasa?
Nakilala mo ba ang mga propeta?
Sina Moses, Abraham, Solomon, kilala mo ba sila?
E, si Jesus na tagapagligtas, alam mo ba ang tungkol sa kanya?

Ordinaryong tinta man o hindi ang ginamit,
Mamahalin mang papel ang pinagdikit-dikit,
O di kaya'y matatalino man o hindi ang sumulat,
Ang nilalaman nito'y tagos sa puso hanggang sa'ting mga ugat.

Alam mo bang sa Bibliya nagsimula,

At matatagpuan ang luna sa mga pagdurusa?

Bakit hindi mo basahin ang tungkol sa ating Ama,

At sa anak na dakilang isinakripisyo Niya?

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now