CHAPTER 37

144 8 0
                                    

TAHIMIK na umiiyak lamang si Gelaena habang nasa labas ng bintana ang kaniyang paningin. Kanina niya pa sinusubukan ang sarili na tumahan na, ngunit ayaw naman paawat ang kaniyang mga luha. Tuloy-tuloy pa rin sa pangingilid ang mga iyon.

Malalim siyang nagbuntong hininga. Umangat na naman ang kanang kamay niya upang punasan ang kaniyang mga luha, ngunit nabasa iyong muli.

“Señorita Gelaena!”

Narinig niya ang pagtawag ni Cullen sa pangalan niya. Ngunit hindi siya nag-abalang lingunin ito. Matagal na niyang kilala ang binata dahil matagal na itong bodyguard ng kaniyang papa. Mas matanda lamang ito sa kaniya ng limang taon marahil. Mabait ito kaya isa ito sa mga taong nakakasundo niya no’ng hindi pa siya tumatakas sa kanilang mansion. Pero ngayong nahuli na siya nito maging ng ibang tauhan ng kaniyang papa, mukhang mas papanigan pa yata ni Cullen ang papa niya at ang trabaho nito kaysa sa pagiging magkaibigan nilang dalawa.

“Señorita—”

“Stop, Cullen,” naiinis na wika niya habang hindi niya pa rin ito nililingon. “Kung hindi mo ako pabababain ngayon sa kotseng ito
. . . huwag mo na akong kausapin,” dagdag niya pa.

Mayamaya ay narinig niya namang nagbuntong iininga ito nang malalim. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa loob ng van na iyon.

“Ihinto mo ang sasakyan sa gilid ng kalsada!”

Narinig niyang utos nito sa driver. Bigla naman siyang napalingon sa binatang nasa tabi niya. Nagtiim bagang pa ito nang lumingon din sa kaniya. Saglit siyang tinitigan nang seryoso bago muling bumuga ng hangin.

“Ilang linggo nang nagagalit ang papa mo dahil hindi ka namin mahanap, señorita,” sabi nito.

“Pero ayokong bumalik sa bahay, Cullen,” aniya. “You know what situation I’m going through right now, Cullen.” Mas lalo niyang naramdaman ang pag-iinit sa ulok ng kaniyang mga mata habang matamang nakatitig sa binata. “So please! I’m begging you, Cullen! Huwag mo akong ibalik kay papa. M-Masaya na ang buhay rito. I can do whatever I want, Cullen. So please!” Ipinagsalikop niya pa ang kaniyang mga palad sa tapat ng kaniyang bibig. “Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo dahil ayaw mong mapagalitan ka ni papa. Pero . . . I’m your friend too, Cullen. At bilang kaibigan mo, nagmamakaawa ako sa ’yo!”

Mayamaya’y biglang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang lalaki. Tumingin ito sa unahan ng sasakyan. Pagkalipas ng ilang segundo, binuksan nito ang pinto sa tabi nito at bumaba. Nanatili lamang siyang nakatingin dito habang nagparoo’t parito muna ito nang lakad habang nakahawak sa batok nito ang kanang kamay. Ilang segundo pa’y muling sumakay ang lalaki at isinarado ulit ang pinto.

“Ibalik mo ang sasakyan.”

“Pero, boss—”

“Gawin mo na ang utos ko!”

Wala namang nagawa ang driver kung ’di paandarin ulit ang sasakyan at pinaikot iyon pabalik sa eskwelahan. Nagkatinginan pa ang tatlong bodyguard na nasa likuran nila.

Nang lumingon ulit sa kaniya si Cullen, tipid siyang ngumiti rito habang may mga luha pa rin sa kaniyang mga mata. Kumilos ang isang kamay niya at inabot niya ang kamay nitong nakapatong sa kaliwang hita nito. Masuyo niya iyong pinisil.

“Thank you, Cullen!” Kahit papaano, nawala ang kaba at pag-aalala sa puso niya dahil sa ginawa nito. Ang buong akala niya’y tuluyan na siyang makakabalik sa kanila. Mabuti na lamang at pinakinggan nito ang pakiusap niya.

“Pero, boss, siguradong magagalit sa atin si Señor Carlos,” wika ng isang lalaki na nasa likuran niya.

“Wala kayong sasabihin sa kaniya na natagpuan na natin ang kinaroroonan ni Señorita Gelaena,” sabi nito. “Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya. Huwag lang kayong madudulas dahil paniguradong malilintikan tayong lahat.”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now