CHAPTER 2

419 42 6
                                    

BAHAGYANG tumikhim si Gelaena habang mataman pa rin siyang nakatitig sa batang patuloy pa ring umiiyak habang nakasubsob ang mukha sa mga tuhod nito at yakap-yakap ang mga binti. Hindi niya malaman kung lalapitan ba niya ito o panunuorin na lamang habang umiiyak hanggang sa tumahan ito.

“I want my mommy! I want my mommy!” humihikbing saad ng bata.

Bigla naman siyang nakadama ng awa rito. The way she sobbed and called her mother, Gelaena could feel her longing for her mother.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere ’tsaka dahan-dahang humakbang palapit sa bata.

“H-Hi.” Mahinang bati niya rito nang nasa tapat na siya nito.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kuwartong iyon. At mayamaya ay dahan-dahang nag-angat ng mukha ang bata. Basang-basa ang mukha nito sa mga luha.

“W-Who... who are you?” humihikbi pang tanong nito sa kaniya.

Ngumiti siya rito ’tsaka siya marahang yumuko at umupo na rin sa sahig. “I’m... Gelaena.” Pagpapakila niya rito. “Ikaw si Señorita Emzara, hindi ba?” tanong pa niya.

Nangunot naman ang noo nito habang nakatitig pa rin sa kaniya ang mga mata nitong nag-uulap pa rin dahil sa mga luha nito. “My new nanny?” sa halip na sagutin ang tanong niya ay nagtanong din ito pabalik sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumango. “Yes,” sagot niya habang nasa mga labi pa rin niya ang matamis na ngiti.

Tinitigan niya nang mataman ang mukha nito. She’s pretty. Mestiza ang kutis, matangos ang maliit nitong ilong. Medyo bilogan ang mga mata nitong kulay tsokolate. Kulay blonde naman ang buhok nito na sa tingin niya ay natural lang. Panigurado siya, kapag lumaki na ang batang ito ay maraming maghahabol o mahuhumaling na kalalakihan dito. Ngayon pa lamang kasi ay nakikinita na niyang mas maganda ang hitsura nito kapag nagdalaga na.

Biglang nangunot ang noo nito at tumitig sa kaniya ng matalim. “I don’t like nannies! I want my mommy.” Umiyak itong muli. “I just want my mommy!” Sumigaw na naman ito.

Napangiwi siya at napatakip pa sa kaniyang mga tainga dahil sa matinis nitong boses na nakakngilo.

“I don’t like you! Go away!”

“Pero...” Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin upang patahanin ito. Jusko! Ito ang unang beses na magbabantay at mag-aalaga siya ng bata kaya wala siyang ideya kung ano ang kaniyang gagawin. Wala naman kasi siyang pamangkin na kasama sa bahay nila dahil nag-iisa lamang siyang anak ng magulang niya at higit sa lahat ay never pa siyang may nakasamang bata o paslit kaya hindi niya talaga alam kung paano i-approached ang mga kagaya nito.

“I said, go away! I want to be alone!” Sigaw na naman nito sa kaniya.

“Pero... pinapunta ako rito ng lolo mo para ako ang magbantay sa ’yo.” Pinanatili niyang kalmado ang boses niya upang hindi ito matakot sa kaniya.

“I don’t need someone to watch over me. I don’t need anyone. I just want my mommy!” Humagulhol na ito nang husto.

“Wala kasi ang mommy mo rito sa mansion kaya hindi ko siya matatawag para papuntahin dito at makasama mo,” aniya at kumilos siya sa kaniyang puwesto. Lumapit siya sa bata at dahan-dahang hinawakan ang likod nito. No’ng una ay pumiksi pa ito sa kaniya, pero nang sinubukan niya ulit sa pangalawang pagkakataon ay hindi naman na ito pumalag kaya masuyo niyang hinaplos-haplos ang likod nito upang patahanin ito sa pag-iyak. Sumandal na rin siya sa pader habang nakaunat ang mga paa niya sa malamig na tiles. “Alam mo, pareho lang naman tayo, e! Matagal na rin na hindi ko nakakasama at nakikita ang mama ko. Alam ko na malungkot at masakit na hindi mo nakakasama at nakikita ang mommy mo ngayon, pero maniwala ka sa akin... lagi ka niyang naiisip at sigurado ako na nalulungkot din siya na hindi ka niya kasama ngayon. At sigurado din ako na nami-miss ka na niya nang sobra.” Pagkukuwento niya rito.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now