CHAPTER 20

302 30 4
                                    

“HI, GELAENA! Good morning!”

Mula sa pagdidilig ng mga halaman na nasa gilid ng gazebo ay napalingon si Gelaena sa lalaking bumati sa kaniya. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Goran habang papalapit ito sa kaniya at may bitbit na tasa ng kape. Nakasuot pa ito ternong pajamas at halatang kagigising lamang nito.

Ngumiti siya sa binata. “Good morning po, Sir Goran!” ganting bati niya rito.

“Oh, come on! I told you yesterday that you can call me Goran and do not use Po when you talk to me. I know hindi pa naman nalalayo ang edad natin.” Nakangiti pa ring saad nito at tumayo dalawang hakbang mula sa kaniyang puwesto.

Saglit niyang pinatay ang hose na hawak niya. “Nakakahiya naman po sa inyo kung tatawagin ko lang po kayo sa pangalan ninyo, samantalang anak po kayo nina Señor Salvador at Doña Cattleya.”

Humugot naman ng malalim na paghinga si Goran at banayad na pinakawalan iyon sa ere. Pagkatapos ay dinala nito sa bibig ang tasang hawak nito. “Hindi lang kasi ako sanay na tinatawag akong Sir at gumagamit ng Po ang kausap ko. Lalo na kapag kagaya mong dalaga at... Maganda.”

Bigla siyang napatitig sa guwapong mukha ng binata dahil sa huling mga tinuran nito. Hindi niya iyon inaasahan!

Mataman niyang tinitigan ang mukha nito. Hindi nga talaga maipagkakailang kapatid ito ni Mayor Gawen. Halos magkahawig kasi ng hitsura ang dalawa. Parehong matangkad din na sa tingin niya ay nasa 5’9 ata. Makisig ang katawan na halatang alaga sa gym. Kagaya kay Gawen ay hindi rin nakasasawang titigan ang mukha nito. Makapal ang mga kilay. Matangos ang ilong. Mapupungay ang mga mata. Maayos din ang purma ng jawline nito at bagay na bagay rito ang manipis ngunit bahagyang mapula na mga labi nito. May lahi kaya ang pamilyang Ildefonso? Parang hindi kasi pangkaraniwang Pinoy lamang hitsura ng mga ito!

“Are you okay, Gelaena?”

Napakurap siya nang marinig niya ang boses ng binata. Mabilis din siyang tumikhim at nagbawi ng tingin dito.

“Um, sorry po, Sir Goran!”

Napailing ito. “Ano ba ang puwede kong gawin para hindi mo na ako tawaging Sir?”

“Ano po ang ibig n’yong sabihin?”

“Napaka-pormal kasi ng pagtawag mo sa akin ng sir. Hindi bagay... I mean, paano naman ako nito makakapag-first move sa ’yo para alukin ka ng lunch date or dinner date maybe?”

Hindi na niya napigilan ang mapaubo dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ano raw? Lunch date or dinner date? Ano ang ibig sabihin nito sa kaniya? Kagaya rin ba kay Migo ay magtatapat ito sa kaniya na may gusto ito sa kaniya? Oh, my gulay! Pero kahapon lamang sila nagkakilala! Tapos ngayon magpaparinig o magpapahiwatig na agad ito ng damdamin sa kaniya?

Ganito ba talaga ang mga lalaki sa syudad? Walang preno at basta-basta na lamang magtatapat sa babaeng natitipohan ng mga ito?

Tumikhim siyang muli. “A-Ano po ang sinabi ninyo, Sir?” nauutal na tanong niya.

Ngumiti naman si Goran at humakbang pa ng isang beses palapit sa kaniya. Hindi niya napigilan ang mapalunok ng kaniyang laway at bahagyang napaatras.

“I know kahapon lang tayo nagkita at nagkakilala, Gelaena. But... Do you believe in love at first sight?”

Napamaang siya dahil sa naging tanong nito sa kaniya. Gusto niya sanang magsalita, pero hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin dito. Nabigla siya sa mga sinabi nito!

Oh, my veggies!

“I actually don’t believe it. But yesterday...” Anang Goran at tinitigan nang mataman ang kaniyang mukha, lalo na ang kaniyang mga mata.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now