CHAPTER 1

1.4K 54 5
                                    

“TIYA HULYA, ito na po ba ang bahay ng amo ninyo?” nakangiting tanong ng dalagang si Gelaena sa matandang kaniyang kasama na dumating sa mansion ng mga Ildefonso. Inilibot pa niya ang paningin sa buong paligid. Mababakas sa mukha niya ang labis na pagkamangha dahil sa kaniyang nakikita. Napakaganda ng mansion at napakalaki pa. Maging ang harden ay napakalawak at sa bandang dulo ay may malawak na swimming pool din. Humahalimuyak din ang bango ng mga bulaklak na nakatanim sa gilid ng garahe.

“Oo, hija! Ito na nga ang mansion ng mga Ildefonso. Rito ako nagtatrabaho,” sagot naman ng kaniyang Tiya Hulya nang makapasok na rin ito sa gate.

“Napakalaki po pala ng mansion nila!”

“Magandang araw po, Manang Hulya! Nakarating na po pala kayo!” anang guard na lumapit pa sa matanda upang tulungan itong magbuhat ng bayong na bitbit nito.

“Maraming salamat, Chito. Pakidala na lamang iyan sa kusina.”

“Opo.” Anang guard na kaagad din naman umalis.

“Halika hija at ipapakilala agad kita kay Señor Salvador.”

“Sige po,” aniya ay inayos pa niya sa kaniyang balikat ang malaking shoulder bag niya na pinaglagyan niya ng kaniyang mga gamit at damit.

Magkaagapay silang naglakad papunta sa main door. At nang makapasok sila roon, mas lalo siyang namangha at nalula sa ganda ng sala na bumungad sa paningin niya. Halos pigil ang kaniyang paghinga habang inililibot niya na naman ang paningin sa malawak na sala.

Wow! Sa isip-isip niya.

“Hulya, nariyan ka na pala!”

Naagaw ang kaniyang atensyon nang marinig niya ang boses ng isang matandang lalaki na prenteng nakaupo sa mahaba at mamahaling sofa habang may hawak-hawak itong news paper, pero agad din naman iyong itiniklop nito.

“Halika, hija! Naroon ang Señor Salvador.”

Nagpatianod naman siya sa matandang babae nang igiya na siya nito palapit sa kinaroroonan ng matandang lalaki.

“Magandang araw ho, Señor Salvador.” Bati ng kaniyang Tiya Hulya sa matandang lalaki.

“Magandang araw din sa ’yo, Hulya! Mabuti at nakabalik ka na mula sa bakasyon mo.” Nakangiti pang saad nito. “Kumusta ang biyahe mo?”

“Oho, Señor Salvador. Mabuti naman ho ang biyahe namin,” wika nito. “Siya nga ho pala, señor. Ito ho si Gelaena, pamangkin ko. E, pasensya na ho kung isinama ko siya rito. Naghahanap ho kasi siya ng trabaho.”

“Magandang araw po, Señor Salvador!” nakangiti at magalang na bati niya rin sa matanda.

“Good morning, hija! Nice to meet you.” Inilahad pa nito ang kamay sa kaniya na kaagad din naman niyang tinanggap.

“Nice to meet you rin po.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

“Okay lang ho ba kung mamamasukan dito si Gelaena sa mansion, Señor Salvador? E, tinawagan ho kasi ako ni Arlene no’ng isang araw at sinabi sa akin na kailangan na naman maghanap ng bagong mag-aalaga kay Señorita Emzara dahil umalis na naman ang kaniyang yaya. Kaya ho naisipan kong isama na lamang dito itong pamangkin ko.”

“Of course, there’s no problem, Hulya! Oo nga’t umalis na naman ang tagapag-alaga sa batang iyon. Mabuti at inabesohan ka ni Arlene. At isa pa, pamangkin mo naman siya kaya mas mainam kung siya ang magiging bagong yaya ng apo ko,” wika nito at tinapunan siya ulit ng tingin. “Pero, mahilig ka ba sa mga bata, hija?” tanong nito sa kaniya.

“Ang totoo po niyan, nag-iisa lang po akong anak ng magulang ko. Pero mahilig po ako sa mga bata. Siguro po, kaya ko namang alagaan ang apo ninyo,” nakangiting sabi niya.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon