CHAPTER 17

260 27 0
                                    

“ARE you excited, Emzara?” Nakangiting tanong ni Gelaena sa kaniyang alaga habang itinatali niya ang buhok nito.

Tumango naman ang bata, “I’m excited, Gelaena,” sagot nito. “This is the first time I will go to the family day at our school.”

“First time?” tanong niya at bahagyang nangunot ang noo.

“Yeah,” sagot nito.

“Bakit first time mo lang sasali sa family day?” tanong niya at huminto na sa ginagawa sa buhok nito nang matapos niyang itali iyon.

“Well, the last time we had a family day... We didn’t go. Because, I don’t have a mommy. And Daddy Mayor was busy with his work. And...” Ani nito at huminto sa pagkukuwento.

Tinitigan niya ang maliit nitong mukha nang humarap na ito sa kaniya.

“And?” tanong niya pa.

“I don’t want to interact with many people.”

Bumuntong-hininga siya dahil sa sinabi nito. Naiintindihan niya ito. E, sabi nga ng mga kasama niya sa mansion, ngayon lamang nakausap nang maayos si Emzara at ngayon lamang ito ngumiti at tumawa dahil sa kaniya. Pero noon... Kahit anong gawin ng mga tao sa mansion, wala talagang makasundo si Emzara, kahit si Mayor Gawen ay madalas ding makasagutan nito.

Hinaplos niya ang buhok at pisngi nito pagkuwa’y ngumiti siya nang matamis. “Pero ngayon ay a-attend ka na,” sabi niya.

“Because you’re here. Because you will go with me and Daddy Mayor.”

“Oo naman. Sasama ako sa inyo ni Yorme,” sabi niya. “Baka mamaya, sumulpot sa school n’yo si Ella, nako...”

“Don’t worry Gelaena. I don’t like Ella. I only like you.”

Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi nito. Kinabig niya ito upang yakapin at hinalikan niya ang ulo nito.

“Let’s go. Bumaba na tayo at baka naghihintay na sa atin si Yorme. Magalit na naman ’yon sa akin,” wika niya. ’Tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto at magkahawak kamay sila ni Emzara na lumabas sa silid nito.

Simula pa no’ng isang araw, sinusungitan na naman siya ni Gawen. Hindi niya malaman kung ano ang nagawa niyang kasalanan para uminit na naman ang ulo nito sa kaniya. Sa pagkakaalam niya... Wala naman siyang nagawang mali para magalit na naman ito sa kaniya. Ang huling pag-uusap nila ay nang umagang tinanong niya ito kung gusto nito ng kape at ipagtitimpla niya ito, pero sa halip na sagutin siya ay hinanap nito si Arlene. Hanggang sa kinagabahan, pag-uwi nito galing City Hall, ay sinusungitan pa rin siya. Ang buong akala pa man din niya ay medyo friends na silang dalawa. Pero nag-assumed na naman pala siya sa part na ’yon!

“Hi, Gelaena. Good monring!” Nakangiting bati sa kaniya ni Migo nang pagkababa nila sa sala ay naroon na ang binata, kasama nito si Gawen.

Nginitian niya ito. “Good morning din sa ’yo, Migo!” At nang balingan niya ng tingin si Gawen, seryoso itong nakatingin sa kaniya. Ngingiti na sana siya rito at babatiin din ito, pero mabilis naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya at bumuntong-hininga pa.

“Let’s go Emzara!” ani nito at inilahad pa ang kamay sa bata na kaagad naman nitong kinuha at binitawan ang kaniyang kamay.

Hmp! Ang sungit talaga! Umagang-umaga, e!

Sumunod na lamang siya sa dalawa nang maglakad na ang mga ito palabas sa main door. Si Migo naman ay umagapay sa kaniya.

“Kumusta ang tulog mo kagabi, Gelaena?”

Nilingon niya si Migo. “Okay naman, Migo,” aniya. “Ikaw?” tanong niya rin.

“Okay na okay rin. Lalo pa at napanaginipan kita kagabi.”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now