CHAPTER 13

310 26 2
                                    

“YORME, isang gulat na lang po talaga ninyo sa akin... Aatakihin na ako sa puso!” Nakaismid na saad niya nang makaahon siya sa tubig. Ang kaniyang puso ay malakas pa rin ang kabog dahil sa pagkabigla niya sa pagdating nito kanina.

Seryosong tingin lang naman ang ibinigay sa kaniya ni Gawen ay pagkuwa’y namaywang.

“What are you still doing here?” tanong nito.

“Matutulog po, Yorme!” sagot niya. “Kaya po ako narito sa swimming pool at nakasuot ng bikini, kasi patulog na po ako.” Umismid pa siya.

“Manners, Gelaena!” tiim-bagang na saad naman sa kaniya ni Gawen.

Bumuntong-hininga siya at lumangoy palapit sa gilid ng pool. Kumapit siya roon upang hindi na siya mahirapang kumawag-kawag at nang hindi siya lumubog sa tubig.

“E, kayo naman po kasi, Yorme! Obvious na nga po ang sagot sa tanong ninyo, nagtatanong pa rin po kayo! Siyempre po ay maliligo ako kaya narito ako sa swimming pool area.”

Napailing na lamang si Gawen kasabay nang pagbuntong-hininga rin nito at pagkatapos ay kaagad na tumalikod at iniwan siyang mag-isa roon.

Sinundan niya pa ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa kabahayan.

“May pagka-engot din pala itong si Yorme! Magtatanong pa. Tsk! Nako, buti na lang at guwapo ka.”

Napangiti siyang bigla dahil sa huling sinabi niya.

Mayamaya ay mabilis siyang lumangoy papunta sa gitna ng pool at sumisid siya. Ilang beses niyang ginawa iyon bago siya nagpasyang umahon at bumalik na sa kuwarto nila ng kaniyang Tiya Hulya para magbanlaw at pumanhik sa silid ni Emzara.

Kahit papaano ay naging presko na rin ang pakiramdam niya.

“NATUTUWA talaga ako kay Señorita Emzara. Simula nang ikaw ang naging yaya niya, naging active na siya rito sa school namin.” Nakangiting saad ng teacher ni Emzara habang kaagapay ito ni Gelaena na naglalakad sa hallway.

Katatapos lamang ng klase ng bata kaya ngayon ay papunta na sila sa labas para umuwi. Hawak niya sa kamay si Emzara habang hila-hila niya ang malaki nitong bag.

“Natutuwa rin naman po ako na ganito na siya ngayon,” sabi niya.

“Mabuti na lang talaga at ikaw ang naging yaya niya, Miss Gelaena. Kasi... Hindi kagaya sa mga yaya niya dati, nako, lagi lamang niyang inaaway.”

“I just don’t like them, Teacher Anne.” Singit na saad ni Emzara.

Tiningnan naman niya ang bata na nasa tabi niya.

“And you like Miss Gelaena?” tanong ulit ng babae.

“Who wouldn’t like her? I mean, she’s beautiful and nice.”

Mas lalo siyang napangiti dahil sa naging sagot nito sa teacher. Mayamaya ay nagkatinginan sila ng babae.

“She really likes you, Miss Gelaena.”

Ngiti na lamang ang naging tugon niya rito at tuloy-tuloy na ang kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa dulo ng pasilyo.

“Magba-bye ka na sa teacher mo.” Saad niya kay Emzara.

“Bye po, Teacher Anne!”

“Bye Emzara.” Ani nito. “And by the way, Miss Gelaena, please pakisabi mo kay Mayor na um-attend siya sa family day next week, huh!”

“Sige po Teacher Anne, sasabihin ko kay Yorme mamaya.”

“Salamat.”

“Mauuna na kami.”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now