CHAPTER 14

295 28 1
                                    

KAAGAD na napatayo si Gelaena mula sa pagkakaupo sa long bench na nasa gilid ng hallway ng hospital nang bumukas ang pinto ng Emergency Room at lumabas doon ang lalaking doctor. Napatayo na rin ang mag-asawang Salvador at Cattleya.

“Doc, h-how’s Gawen?” nag-aalalang tanong ni Doña Cattleya habang yakap-yakap nito ang sarili maging ang nakapatong na shawl sa mga balikat nito.

“Is he okay? What happened to him?” tanong din ni Señor Salvador, na kagaya sa asawa’y labis din ang pag-aalala para sa anak.

“Hindi n’yo na po kailangang mag-alala Doña Cattleya, Señor Salvador. Mayor Gawen is fine now,” sabi nito. “Nag-LBM lang siya kanina. Maybe he ate something unpleasant food that made his stomach upset. But, like what I have said, you have nothing to worry about. He has taken medicine and for now he just needs to rest so that his body can regain its strength.” Pagpapaliwanag nito.

Doon lamang nakahinga nang maluwag ang mag-asawa, maging si Gelaena na rin.

Kanina nang makita ni Gelaena ang namumutlang mukha ni Gawen nang lumabas ito sa kuwarto nito at biglang matumba sa sahig, labis ang kaniyang kaba at pag-aalala. Ang buong akala niya’y kung ano na ang nangyari dito kaya nahimatay. Halos mabulabog niya pa ang buong mansion nang magsisigaw siya upang humingi ng tulong at para madala agad sa ospital si Gawen. Pero ngayong sinabi ng doctor na ayos na ito... Wala na siyang dapat na ipag-alala.

Muli siyang humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere.

“Thank God! Oh, thank God!” Anang Doña Cattleya na isinandal pa ang ulo sa balikat ng asawa.

“Mamaya lang po ay ililipat na rin siya ng nurse sa kuwarto niya. Bukas ko pa siya ng tanghali pauuwiin.”

“Salamat, doctor!”

“No problem po.” Ani nito. “Maiiwan ko po muna kayo riyan at may pasyente pa po akong pupuntahan.”

“Thank you so much.” Habol pang saad ng doña bago tuluyang tumalikod ang doctor at umalis.

“Ano naman kaya ang nakain ng batang iyon para mag-LBM siya?” tanong ng Señor Salvador.

“Hindi naman siya kumain kanina nang dinner. So, ano ang nakain niya para sumama ang tiyan ng batang iyon? I was so worried, hon!”

“Stop worrying, hon! Narinig mo naman ang sinabi ng doctor na okay na si Gawen, so you don’t have to worry.”

“Hindi ko lamang maiwasan.”

Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mag-asawa habang nasa likuran siya ng mga ito.

Mayamaya pa ay bumukas ulit ang pinto ng ER at lumabas doon ang isang nurse habang ang isa naman ay itinutulak ang hospital stretcher bed.

Nang sumunod ang mag-asawa kay Gawen na nakahiga sa stretcher bed at payapang natutulog, tahimik na sumunod din siya sa mga ito hanggang sa makarating sila sa isang private room.

“Gelaena, hija!”

“Yes po, Señor Salvador?” Kaagad siyang lumapit sa mag-asawa na nakatayo sa may paanan ng hospital bed. Nailipat na roon si Gawen.

“We need to go home. Kasi bawal sa asawa ko ang magpuyat. Pero walang may maiiwan dito kay Gawen. So I want you to stay here at samahan mo rito si Gawen, okay?”

Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang tingin sa mag-asawa ’tsaka tinapunan niya rin ng tingin si Gawen na mahimbing na natutulog.

Ako ang magbabantay sa kaniya rito? Maiiwan kaming dalawa rito sa ospital?

“E, p-paano po si Emzara—”

“Si Arlene na ang pagbabantayin ko sa kaniya,” sabi ni Señor Salvador hindi pa man niya natatapos ang kaniyang pagsasalita. “Just stay here. Walang may magbabantay rito kay Gawen.”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon