CHAPTER 29

212 19 0
                                    

HUMUGOT nang malalim na paghinga si Gelaena at dahan-dahan niyang pinakawalan iyon sa ere habang nararamdaman na niya ang unti-unting pag-angat ng helicopter na sinasakyan nila ni Gawen. Ito ang unang beses na nakasakay siya ng helicopter, kaya medyo kinakabahan siya. Mayamaya, napalingon siya sa kaniyang tabi nang maramdaman niyang kinuha ni Gawen ang kaniyang kamay at ipinagsalikop ang kanilang mga palad. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti sa mga labi nang makita niya ang nakangiti ring mukha ni Gawen.

“Are you excited?” narinig niya ang boses nito sa suot niyang headphones.

Tumango naman siya. “Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya.

“You will see later,” sagot nito.

“Talagang may surprise ka sa akin ngayong gabi, a!” natawa siya nang mahina.

Ngumiti ring lalo si Gawen sa kaniya. “Well, it’s valentine’s day,” sabi nito. “And this is our first date and first valentine’s together, so dapat lang talaga na may surprise ako para sa ’yo,” dagdag pa nito at dinala sa tapat ng bibig nito ang magkasalikop nilang mga palad at ginawaran ng halik ang likod ng kaniyang kamay.

Kagaya kanina nang nasa balkunahe pa lamang sila ng bahay, nang makita niya ang guwapo nitong hitsura, hindi rin niya napigilan ang kaniyang kilig sa mga sandaling iyon dahil sa sinabi nito sa kaniya. Sabagay, may point din naman itong nobyo niya! First date at first valentine’s nila ngayon kaya dapat lang na may surprise ito para sa kaniya. Para maging special ang unang date nilang dalawa.

“Hindi ko nga inaasahan na may surprise ka pala sa akin ngayon,” sabi niya.

“Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi agad kanina. Idinahilan ko lang na may meeting ako,” sabi nito.

Bahagya siyang natawa ulit. “Sabi ko na nga ba, e!” aniya. “Um, p-paano pala sina Arlene at Emzara?” tanong niya pagkuwa’y.

“Don’t worry about them. Babalik na rin sila ngayon sa mansion.”

Tumango naman siya at pagkuwa’y ibinaling niya ulit ang kaniyang paningin sa labas ng bintana nang tuluyan nang makalipad ang kanilang sinasakyan. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya ang mga ilaw sa ibaba. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Gawen para daw sa valentine’s date nila, pero labis siyang na-i-excite ngayon. At para hindi na siya magtanong kay Gawen kung saan sila pupunta ngayong gabi, inaliw na muna niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa mga ilaw sa ibaba, sa mga lugar na nadadaanan nila. Kitang-kita niya ang iba-ibang kulay ng ilaw at magandang night view ng buong Bulacan. Tila nakakawala ng stress at pagod.

Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi niya namalayang nasa syudad na pala sila.

“We are in Quezon City!”

Napatingin siya kay Abraham nang marinig niya ang boses nito mula rin sa headphones na suot niya. Pagkatapos ay binalingan niya rin ng tingin si Gawen.

“Nasa QC na tayo,” sabi rin nito sa kaniya.

Ngumiti lamang siya at muling sumilip sa bintana. At ilang sandali pa ang lumipas, sa malawak na lote sa tabi ng isang mataas na hotel lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan. Tinulungan siya ni Gawen na hubarin ang suot niyang headphones nang unti-unti nang bumabagal ang pag-ikot ng rotor blade ng helicopter. At nang bumukas ang pinto sa tabi ni Gawen, nauna itong bumaba at pagkatapos ay inilahad ang kamay sa kaniya upang alalayan siyang makababa.

“Careful!”

“Thank you, Tangi,” aniya nang makababa na rin siya.

“So, puwede na akong umalis? May date rin ako ngayong gabi,” sabi ni Abraham nang makababa na rin ito sa helicopter.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now