CHAPTER 6

402 35 3
                                    

“HI, GOOD MORNING!”

Biglang napalingon si Gelaena sa lalaking nagsalita mula sa may likuran niya. Ngumiti naman siya nang makita niya ang nakangiting mukha ng lalaking kasama ni Mayor Gawen kahapon.

“Good morning din!” Ganting bati niya rin dito at muling tinapunan ng tingin ang slice bread na nilalagyan niya ng strawberry jam. Iyon kasi ang rekwes sa kaniya ng kaniyang alaga. Alas sais pa lang ay nagising na siya kasi ayon sa schedule ng kaniyang alaga na ibinigay sa kaniya ni Doña Cattleya no’ng isang araw ay may pasok daw ito sa school tuwing Martes at Huwebes. Sa tuwing Lunes, Meyerkules at Beyernes naman ay pinupuntahan lamang ito ng tutor nito para turuan. Alas syete pa lang din naman ng umaga at nag-rekwes nga sa kaniya si Emzara na igawa niya ito ng sandwich na strawberry daw ang palaman kaya bumaba siya sa kusina.

“Ako pala si Migo!” mayamaya ay pagpapakilala nito sa kaniya. “Assistant ako ni Mayor Gawen.”

Muli niya itong nilingon. “Ako naman si Gelaena. Bagong yaya ni Señorita Emzara.” Pagpapakilala niya rin at inilahad niya ang kaniyang kamay rito. “Nice to meet you, Migo.”

Kaagad naman itong lumapit sa kaniya upang tanggapin ang kaniyang palad. “Nice to meet you too, Gelaena.” Ani nito. “Mabuti naman at mukhang... magkasundo agad kayo ng anak ni Mayor.” Dagdag pang saad nito.

Nang matapos niyang takpan ang jam, ibinalik niya iyon sa lalagyan. “Kaya nga ayaw akong paalisin ni Señor Salvador dahil sa lahat daw ng naging yaya ng anak ni Mayor, ako lang ang nakasundo ng bata.”

Tumango naman ang lalaki. “That’s true. Nakailang tawag na rin ako kay Miss Ella para magpahanap ng bagong yaya, pero lahat naman ay hindi tumatagal at kaagad na umaalis. Pero mabuti na lang at ngayon ay nagustohan ka ni Señorita Emzara.”

Ngumiti siya ulit sa lalaki nang balingan niya ito ng tingin. “Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita?” sa halip ay tanong niya rito mayamaya.

“Um, h-hindi na,” wika nito at umiling pa. “I can make my own coffee,” sabi nito at kaagad na naglakad palapit sa coffee maker.

“Or ayaw mo lang na ipagtimpla kita kasi sinabi ko kahapon kay Mayor na hindi ako masarap magtimpla ng kape?” pabirong tanong niya habang bitbit niya na ang tray na pinaglagyan niya ng sandwich na ginawa niya at ng gatas na itinimpla niya para sa bata.

Tila nahihiyang napakamot naman sa ulo nito ang lalaki.

Tumawa naman siya ng pagak. “Niloko ko lang kahapon si Mayor. Nakakainis kasi siya, e!” aniya.

“Grabe! Ang tapang mo para gawin mo ’yon kay Mayor Gawen.” Tila hindi pa rin ito makapaniwala dahil sa naging sagutan nila ng mayor sa nagdaang umaga. Kung ano ang naging hitsura nito kahapon ay ganoon pa rin ang hitsura nito ngayon.

“Bagay lang ’yon sa kaniya. Ang panget naman ng ugali niya, e!” aniya at napaismid pa siya.

At sakto nang pagkatingin niya sa may pinto ng kusina, papasok na roon ang Mayor na pinag-uusapan nila. Mukhang narinig ata nito ang mga sinabi niya dahil magkasalubong na naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. “Sige, Migo. Mauuna na ako, huh? Ihahatid ko lang ito sa silid ng alaga ko.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang naglakad palapit sa pinto. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang Mayor nang madaanan niya ito, pero binati niya ito, “morning po sa inyo, Mayor!” aniya at nagtuloy-tuloy na sa kaniyang paglalakad hanggang sa makapanhik ulit siya sa silid ng kaniyang alaga.

“What took you so long, Gelaena?”

Isa sa napansin niya sa ugali ng bata, parang ayaw nito sa mabagal kumilos! Kahit ilang minuto pa lang na late siyang bumalik sa silid nito ay nagrereklamo agad sa kaniya dahil matagal daw siya.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ