CHAPTER 3

381 33 4
                                    

“DO I look like a gardener to you, miss?”

Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway habang nakikita niya ang matalim na titig sa kaniya ng lalaki, maging ang ilang ulit na pag-igting ng panga nito.

Oh, shit ka naman kasi, Gelaena! Kita mo na ngang nakasuot siya ng mamahaling amerikana, tapos tatanungin mo pa siya kung hardinero siya rito sa mansion? Galit na saad niya sa kaniyang isipan. Damn. Malinga-lingang sabunutan niya tuloy ang kaniyang sarili sa mga oras na iyon.

At nang makita niyang humakbang ang lalaki palapit sa kaniya ay biglang kumabog ang puso niya. Biglang binayo ng takot at kaba ang kaniyang puso. At ang balat ng saging na hawak-hawak niya ay halos mabitawan pa niya sa labis na panginginig ng kaniyang mga kamay. Gusto sana niyang umatras o hindi kaya ay tumakbo na lang bigla upang lumayo sa nakakatakot na lalaki, pero hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan niya.

“Who are you?” kunot ang noo at matalim na tanong nito sa kaniya nang tumigil ito sa paglalakad, dalawang hakbang ang layo nito sa kaniya.

Bumuka ang kaniyang bibig, pero hindi naman agad siya nakapagsalita. Gusto niyang mag-iwas ng tingin dito, pero hindi niya naman magawa. Tila may magnet ata ang kulay tsokolate at mapupungay nitong mga mata. And damn. Ngayong nasa harapan niya na ito, natitigan niya nang maayos ang mukha nito. Napakaguwapo rin pala nito. Maayos ang pagkakapinid ng buhok nitong nilagyan ata ng hair gel. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, maayos ang pagkakaporma ng panga nito, manipis at medyo mapula ang mga labi na halatang hindi pa nakakatikim ng sigarilyo. May manipis na balbas at bigote ito na sobrang bagay na bagay sa hitsura nito. Damn. He looks perfect. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng perpektong tao o lalaki. Pero ngayon... she did. This man standing in front of her is so damn perfect.

“I said who are you?”

Napakurap-kurap siya nang marinig niya muli ang galit na boses nito. “A, um, b-bago...” hindi niya magawang tapusin ang pagsasalita niya dahil mas lamang ang kaba na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Magsasalita na sanang muli ang lalaki, pero bigla namang tumunog ang cellphone na hawak nito. Napatingin siya sa kamay nito. Tila hindi pa alam ng lalaki kung ano ang gagawin para tumahimik ang pag-iingay ng aparatong hawak nito. Bumuntong-hininga ito nang malalim at sa ilang beses na pagpindot nito sa screen, sa wakas ay dinala rin nito sa tapat ng tainga ang cellphone.

“Hello...”

Dahil doon, sinamantala na niya ang pagkakataon upang tumalikod siya at nagmamadali ng umalis bago pa muling tumingin sa kaniya ang lalaki. Halos tumakbo pa siya pabalik sa kusina nang makapasok siya sa main door ng bahay.

“Oh, bakit bitbit mo pa rin ’yan, bes?” kunot ang noo na tanong sa kaniya ni Arlene.

“A, e, h-hindi ko kasi nakita ang... ang basurahan sa labas,” aniya.

“Ganoon ba? Akin na ’yan at ako na lang ang magtatapon. Pinapainit ko pa naman nang husto ang mantika at ang asukal.” Ani nito at kaagad na kinuha sa kamay niya ang balat ng saging nang makalapit ito sa kaniya.

Wala na siyang nagawa kun’di hayaan ito. Ayaw naman niyang bumalik sa labas dahil panigurado siyang makikita niya ulit ang lalaking iyon.

“Oh, sino kaya ’yon?” tanong niya sa sarili nang maglakad siya palapit sa kalan. “Hindi naman siguro siya ang Mayor Gawen na anak ni Señor Salvador, hindi ba?”

Bumuntong-hininga siya nang malalim upang tanggalin ang kaba sa dibdib niya. At mayamaya lang ay nagsimula na rin siyang mag-prito ng saging. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa silid ni Emzara.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now