CHAPTER 19

287 36 2
                                    

UNTI-UNTING pumikit ang kaniyang mga mata habang patuloy niyang nararamdaman ang mainit na mga labi ni Gawen na nakalapat sa mga labi niya. Ang hawak niyang cellphone ay nabitawan niya at bumagsak sa marmol na sahig.

Oh, gulay! Ramdam niya ang panghihina ng kaniyang buong katawan dahil sa ginawa ni Gawen sa kaniya.

Hindi pa rin siya makakilos sa kaniyang puwesto. Ang pagkakahawak ni Gawen sa kaniyang batok ay bahagyang humigpit at kinabig pa siya nitong lalo.

Oh, sweet potato! Ang first kiss ko nakuha na ni Yorme! Paghuhumiyaw ng kaniyang isipan.

Hindi niya alam kung ilang segundo nang magkalapat ang mga labi nilang dalawa. Basta, nang maramdaman niya ang paggalaw ng mga labi ni Gawen upang sana diinan pa ang paghalik sa kaniya, bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata at mabilis na umangat ang kaliwang kamay niya at hindi sinasadyang naitulak niya ito sa dibdib dahilan upang magkahiwalay sila.

Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata na napatitig dito at hinahabol niya ang kaniyang paghinga.

“Y-Yor—” Hindi niya magawang magsalita nang maayos dahil malakas pa rin ang kabog ng kaniyang puso. At sigurado din siyang pulang-pula ang kaniyang mukha ngayon dahil sa halik na pinagsaluhan nila ni Gawen; dahil sa hiyang nararamdaman niya ngayon.

Mayamaya’y nakita niya ang maliit na ngiting sumilay sa gilid ng mga labi ni Gawen habang mataman pa rin itong nakatitig sa kaniya.

“Next time, ask my permission first, Gelaena.”

Ano raw? Ask his permission? Bakit, may kasunod pa ba ang halik na namagitan sa kanila kani-kanina lamang?

Sa labis na panghihina ng kaniyang mga kalamnan... Napasalampak siya nang upo sa sahig habang nakahawak pa rin ang kanang kamay niya sa armchair ng sofa. Naumid na ata ang kaniyang dila at hindi na niya nagawang makapagsalita pang muli.

Humugot nang malalim na paghinga si Gawen ’tsaka ito tumayo at inilahad sa kaniya ang kamay. Ipinagpalipat-lipat naman niya ang kaniyang paningin sa mukha at kamay nitong nasa harapan niya.

“Come on, Gelaena! Malamig ang sahig.” Ani nito.

Napalunok siya ng kaniyang laway at muling napatitig sa kamay nito. At mayamaya, tila may sarili atang isip ang kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa armchair ng sofa at kusa iyong umangat at wala sa sariling tinanggap niya ang kamay nito.

Dahan-dahan naman siyang hinila ni Gawen upang tulungan siyang makatayo. Hindi niya pa rin magawang alisin ang kaniyang paningin sa mga mata nito. Oh, holy lordy! Nahipnotismo na ata siya o may magnet lang ang mga mata ni Mayor kaya hindi niya magawang alisin ang kaniyang titig dito? Mas lalong dinadaga ang kaniyang dibdib sa klase ng paninitig nito sa kaniya.

Ang buong akala ni Gelaena, kapag nakatayo na siya ay bibitawan na rin ni Gawen ang kaniyang kamay, pero mali pala siya. Naramdaman niya ang masuyong pagpisil nito sa palad niya at gamit ang isang braso ng binata’y hinapit siya nito sa kaniyang baywang na siyang naging dahilan upang magkadikit ang kanilang mga katawan.

Damn.

Mas lalo pang lumakas ang kabog ng kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang matigas nitong abs sa kaniyang tiyan maging ang matigas na braso nitong nakapulupot sa kaniyang baywang. Amoy na amoy niya rin ang mabango at mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang mukha, kagaya na lamang kanina. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang magpasalamat na hinapit siya nito sa kaniyang baywang kaya nakakuha siya rito ng suporta upang hindi siya matumba dahil sa panghihina ng kaniyang mga tuhod o magsisisi sa ginawang iyon ni Gawen, dahil sa malakas na kuryenteng nanulay mula sa katawan nito papunta sa kaniya?

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon