CHAPTER 8

395 37 7
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gelaena sa ere. Ewan niya sa kaniyang sarili kung nakailang buntong-hininga na siya simula pa kanina! Hindi na niya mabilang! Nakatulala lamang siya habang hawak-hawak niya ang tasa ng kaniyang kape at nakaupo siya sa may kitchen counter. Medyo masakit ang kaniyang ulo nang umagang iyon dahil hindi siya nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi dahil sa nangyari sa silid ng kaniyang alaga. Simula kagabi hanggang sa umagang iyon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa loob ng kwarto ni Emzara, nang maalimpungatan siya at makita niyang sobrang lapit ng mukha ni Mayor Gawen sa mukha niya.

Totoo nga bang muntikan na siyang halikan nito?

“Ugh, Gelaena! Puwede ba, huwag ka namang mag-assume na balak kang halikan ng sungit na ’yon? Remember, nasa tabi mo si Emzara kagabi. Sobrang lapit ninyo sa isa’t isa. Ano’ng malay mo at ang alaga mo ang hinalikan niya at nagkataon lang nang magmulat ka e, nasa malapit ng mukha mo ang mukha niya. Duh! Huwag kang asyumera! Bakit ka naman niya hahalikan e, galit nga siya sa ’yo dahil sa nangyari no’ng unang araw na magkita kayo? Feeling ka naman.” Naiinis na saad niya sa kaniyang sarili sa mahinang boses.

Muli siyang nagpakawala nang buntong-hininga at ipinilig ang kaniyang ulo upang alisin sa isipan niya ang bagay na iyon. Napapraning lamang siya sa iniisip niya!

“Ayos ka lang ba, bes?”

Napalingon naman siya bigla sa may pintuan. Nakita niyang papasok si Arlene at naglakad palapit sa kaniya.

“May kausap ka ba riyan? Parang bumubulong ka riyan, e!” Ngumiti pa ito sa kaniya.

“Haynako, Arlene! Masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.” Nakabusangot na saad niya.

“Bakit naman?” bahagyang nangunot ang noo nito. “Sa kuwarto ka pala ni señorita natulog, sabi ni Nanay Hulya!”

Tumango naman siya. “Oo. Nagrekwes kasi si Emzara sa akin.”

“Kaya pala. Naghihintay ako sa ’yo kagabi kasi aayain sana kitang tumambay sa swimming pool. Pero hindi ka naman bumaba.” Ani nito at isinaksak na rin ang coffee maker upang gumawa na rin ng kape nito. “Siya nga pala bes... aalis kayo mamaya kaya maaga kang maghanda.”

“Aalis? Bakit saan kami pupunta?” tanong niya habang nakatitig siya sa likuran ni Arlene.

“Sabado ngayon. At tuwing ganitong araw, nagpupunta si Yorme sa farm nila sa kabilang bayan. Kasama niya si señorita. Roon kasi sila natutulog kapag Sabado at Linggo. Bumabalik lang sila rito sa lunes ng umaga. Bale iyon kasi ang bonding nilang dalawa.”

Napatango-tango naman siya. “Ganoon ba?”

Humarap naman sa kaniya si Arlene ng may malapad na ngiti sa mga labi nito. Tila nanunudyo sa kaniya.

Mabilis namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Oh, bakit ka nakangiti ng ganiyan?” nagtatakang tanong niya.

“Kasi... mapapagsolo na kayo ni Yorme sa farm. Oy, bes... this is your chance na—”

“Teka, teka, Arlene.” Pigil niya sa pagsasalita nito. “Ano ba ’yang pinagsasasabi mo riyan?” tanong pa niya. “Anong chance-chance ang sinasabi mo?”

Muli itong naglakad pabalik sa kitchen counter at nangalumbaba sa gilid niyon. Tumitig pa sa ito sa kaniya nang mataman. “Alam mo bes, puwede kang mag-deny sa salita mo. Pero ang mga mata mo ngayon, habang tinititigan kita... hindi puwedeng mag-deny na may gusto ka na nga kay Yorme.”

“Zzzttt! Arlene!” Saway niya rito at napalingon pa siya sa may pintuan. Baka mamaya ay biglang pumasok ang lalaking pinag-uusapan nila at marinig nito ang sinasabi ni Arlene at isiping totoo nga na may gusto siya rito. “Mag hunos dili ka nga riyan! Huwag mong igiit sa akin na may gusto ako sa kaniya—”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now