CHAPTER 7

383 33 2
                                    

PAGKABUKAS pa lamang ni Gawen sa pinto ng silid ni Emzara, kaagad niyang nakita ang bata na nasa ibabaw ng kama at mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang pumasok at naglakad palapit sa higaan. Maingat din siyang umupo sa gilid nito habang mataman niyang pinagmamasdan ang payapa nitong mukha na natutulog.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y umangat ang kanang kamay niya at masuyong hinawi ang hibla ng buhok ng bata na nasa tapat ng mukha nito.

“I’m sorry, Emzara.” Mahinang sambit niya. “Your mom is dead. You will never see her again.”

Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kaniyang kalooban dahil sa malungkot na balitang natanggap niya kanina. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Eula, ang nanay ng batang ito. Ang tagal-tagal niyang hinanap ang kaibigan niya, pero sa huli ay ito lamang pala ang matatanggap niyang balita.

Laman pa rin ng isipan niya kung sino ang pumatay kay Eula. Ang sa pagkakaalam niya, mabait na tao si Eula. Sa tagal na nilang magkakilala at magkaibigan, wala siyang may nabalitaan na may nakaaway ito, puwera na lamang no’ng nasa college pa sila. Minsan ay may nakakaaway na schoolmate nila si Eula. Pero bukod doon, wala na. Sino kaya ang pumatay rito? Iyon ang malaking katanungan sa isipan niya na gusto niyang malaman kaya inutusan niya ulit ang kaniyang investigator na alamin ang tungkol doon. Mabigyan man lang niya ng hustisya ang pagkamatay ng ina ni Emzara.

Ilang saglit pa siyang nanatili sa silid ni Emzara bago siya nagpasyang tumayo sa kaniyang puwesto at nilisan ang kuwarto ng bata. Nang lumabas siya sa may lanai, nakita niya roon ang kaniyang magulang na nag-uusap.

“Hijo, akala ko ba ay nasa City Hall ka ngayon!” Anang Doña Cattleya nang makita ang anak.

Nang tuluyang makalapit sa mga magulang ay umupo siya sa bakanteng silya.

“Is there a problem?” kunot ang noo na tanong sa kaniya ng kaniyang papa.

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim. “Nakausap ko ang investigator na inutusan ko para hanapin si Eula,” sabi niya.

“Talaga? Sonano ang balita? Nakita na raw niya si Eula?” tanong ng kaniyang mama.

Tumango siya. Hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha niya.

“Nasaan na raw siya ngayon? Wala pa rin ba siyang balak na balikan ang anak niya?” tanong din ng kaniyang papa.

“She’s dead, Ma, Pa,” sabi niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ng doña habang si ang kaniyang papa naman ay nangunot ang noo at mas lalong tumitig sa kaniya.

“What did you say?” hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang ina.

“Eula is dead, Ma,” sabi niya ulit. “Natagpuan ng investagitor ko at ng mga pulis ang bangkay niya sa apartment na inuupahan niya sa Mindoro. Isang linggo na raw ang bangkay niya bago natagpuan.”

“Oh, Diyos ko!” Ang nausal ni Doña Cattleya at napatutop pa sa bibig nito.

“Ano raw ang sabi ng mga pulis? Sino ang pumatay sa kaniya?” tanong ulit ni Señor Salvador.

“Wala pa raw balita ang mga pulis kung sino ang pumatay sa kaniya. Pero pinapabalik ko ulit sa Mindoro ang investigator ko para alamin kung sino talaga ang nasa likod ng pagkamatay ni Eula.”

“My God! Kawawa naman ang apo ko. Ang tagal na niyang hinihintay na bumalik ang mommy niya, tapos ngayon... ito lang pala ang malalaman natin! I’m sure na labis na masasaktan ang batang ’yon.” Malungkot na saad ng doña.

“I don’t know if I should tell Emzara about this,” aniya. “I don’t want her to be hurt too much if she finds out that her mommy is already dead.”

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now