CHAPTER 24

244 17 0
                                    

“YORME, puwede bang bitawan mo ako? Nasasaktan ako, o! Kinakaladkad mo ako!” Naiinis na saad niya kay Gawen habang mahigpit pa rin nitong hawak ang kaniyang kamay at patuloy pa rin ito sa paglalakad palabas ng mansion. “Please, nasasaktan na ako. Dahan-dahan naman!” reklamo pa niya nang muntikan na siyang matapilok. Sinusubukan niya pa ring bawiin ang kaniyang kamay mula rito, pero hindi niya magawa.

Tila wala namang naririnig si Gawen at patuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa may gazebo. Roon lamang siya nito binitawan at matalim ang titig na hinarap siya. Magkasalubong naman ang kaniyang mga kilay nang titigan niya rin rito. Hinawakan pa niya ang palapulsuhan niyang labis na nasaktan dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya maging ang panghihila nito sa kaniya palabas ng mansion.

“Ano ba ang problema mo?” magkahalong galit at inis na tanong niya rito.

Hindi naman agad nakasagot si Gawen, sa halip ay humugot ito ng malalim na paghinga at tiim-bagang na pinakawalan iyon sa ere. Mayamaya, tumalikod ito sa kaniya at nagparoo’t parito nang lakad habang nakahawak na ang isang kamay nito sa batok.

“Damn it.”

Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang marinig niya ang pagmumura nito. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Basta-basta na lamang siyang hinila! Pero mabuti na rin na dumating ito kanina sa kusina kaya hindi siya nahalikan ni Goran. Dahil kung hindi... Malamang na sa mga sandaling ito, natikman na niya ang mga labi ng kapatid nito.

Oh, damn! Kahit sa hinagap niya ay hindi naman sumagi sa isipan niya na mahalikan siya ni Goran.

Napayuko siya saglit at kagat ang pang-ibabang labi ay napapikit siya nang mariin.

“What are you doing, Gelaena?”

Mabilis siyang nag-angat ng mukha niya at muling tinapunan ng tingin ang binata na ngayon ay magsalubong pa rin ang mga kilay habang nakatitig na sa kaniya.

Walang anu-ano’y biglang kumabog ang kaniyang puso dahil sa klase ng paninitig nito sa kaniya.

“A-Ano... Ano’ng ibig mong sabihin?” nauutal at kinakabahang tanong niya. Napalunok pa siya ng kaniyang laway.

“Goran is about to kiss you. Pero parang wala kang balak na pigilan siya para halikan ka. Why?” halatang-halata sa mukha nito ang galit ngayon, pero halatang pinipigilan lang din nito ang sarili.

Halos mag-isang linya na ang mga kilay niya dahil sa sinabi nito. Bakit ba ito nagagalit sa kaniya ngayon dahil muntikan na siyang mahalikan ni Goran? Oh, nagseselos ba ito sa kaniya? Marahil nga’y tama ang sinabi ni Arlene sa kaniya na may gusto na rin sa kaniya si Gawen kaya ito nagseselos? Dahil sa ideyang iyon na pumasok sa isipan niya, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na makadama nang tuwa.

“We’re in a relationship, Gelaena!”

Napamaang siyang bigla. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sa kaniya ngayon. Ano raw? Tama ba ang narinig niya sa sinabi nito?

“We’re in a relationship now, Gelaena!”

“We’re... In what?” gulat na gulat na tanong niya.

Malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Gawen sa ere pagkuwa’y naiinis na ginulo ang buhok nito. Nagtiim-bagang pa itong muli. “Come on! I don’t need to repeat what I said. Narinig mo ang sinabi ko, Gelaena.” Saad nito. Pero mayamaya ay biglang lumamlam ang hitsura nito habang nakatitig pa rin sa kaniya. Pinipilit na pakalmahin ang sarili nito.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Pinoproseso pa rin ng utak niya ang mga sinabi nitong iyon. Labis siyang nagulat! Iyon ay kung tama nga ba ang narinig niya sa mga sinabi nito!

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon