CHAPTER 36

153 6 0
                                    

PAGKABUKAS pa lamang ni Gelaena sa pinto ng kuwarto ni Emzara ay biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita niya ang isang tangkay ng white rose na nasa sahig. Nagtataka man ay yumuko siya upang damputin iyon. Dahan-dahan niyang hinila ang nakarolyong maliit na papel na nakadikit sa katawan niyon. Napangiti siyang bigla nang makita niya ang nakasulat doon.

Good morning, L’amour de ma vie! I hope you slept well last night. I love you!

Wala sa sariling mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya habang ilang beses pa niyang binasa ang sulat ni Gawen para sa kaniya. In fairness, hindi printed ang letrang nakasulat doon. Talagang isinulat iyon ng binata.

Dinala niya sa tapat ng kaniyang ilong ang bulaklak na sigurado siyang kinuha lang nito sa garden kanina. Inamoy-amoy niya iyon.

Oh, umagang-umaga ay biglang napuno ng kilig at kaligayahan ang kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen. Hindi niya ini-expect na maglalagay ito ng bulaklak sa labas ng pinto ng silid ni Emzara para sa kaniya.

Mayamaya, napatingin siya sa bumukas na pinto ng kuwarto ni Gawen. Nakita niya ang binata na palabas na roon habang inaayos nito ang kuwelyo ng suot nitong white long-sleeve.

Mas lalo pang sumilay ang matamis niyang ngiti. “Good morning, Tangi!”

Napatingin din naman sa kaniya si Gawen. Awtomatik ding sumilay ang ngiti nito sa mga labi nang makita siya. Humakbang siya palapit dito.

“Good morning, my love! Do you like the flower?” tanong nito, pagkuwa’y kinabig ang kaniyang baywang at hinalikan siya sa kaniyang pisngi.

Tumango naman siya at ipinakita pa rito ang bulaklak na hawak niya. “Salamat dito,” sabi niya. “Nag-abala ka pang pumitas ng bulaklak sa garden.”

“Of course. Just for you, L’amour,” ani nito. “By the way, tonight, I promise we’ll have a dinner date.”

“Baka naman makalimutan mo na naman mamaya,” wika niya.

Umiling naman agad si Gawen. “Hindi ko na makakalimutan ’yon mamaya, L’amour. Nagpaturo na rin ako kay Arlene kanina kung paano mag-set ng alarm sa cell phone ko para hindi ko na makalimutan mamaya.”

Muli siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Oh, kinilig na naman siya nang husto! Hindi niya tuloy napigilang halikan ito sa gilid ng mga labi nito.

“Aasahan ko ’yan,” sabi pa niya.

“I promise. So, let’s go to the kitchen?! Saluhan mo na akong kumain ng almusal. I’m leaving early today to complete my work promptly and have an early evening at home.” Binitawan nito ang kaniyang baywang, ’tsaka ipinagsalikop ang kanilang mga palad at iginiya na siya sa paglalakad hanggang sa makababa sila sa hagdan at makarating sa kusina. 

Naroon na pala ang mag-asawang Señor Salvador at Doña Cattleya, kumakain na ng almusal.

“Good morning, Ma, Pa!” bati ni Gawen sa magulang nito.

“Good morning po, Doña Cattleya, Señor Salvador!” binati niya rin ang mag-asawa, ’tsaka palihim na bumitaw sa pagkakahawak ni Gawen sa kaniyang kamay.

“Oh, nariyan na pala kayo! Let’s eat! Saluhan n’yo na kami,” wika ng Doña Cattleya sa kanilang dalawa ni Gawen.

“Um, m-mamaya na lang po ako—”

“Come on, hija! Sumabay ka na sa amin,” wika naman ni Señor Salvador, kaya naputol ang kaniyang pagsasalita.

Nahihiya pa rin talaga siya sa mag-asawa hanggang ngayon kahit pa tanggap na siya ng mga ito para kay Gawen. Kaya nga madalas, kapag alam niyang nasa kusina ang mga ito ay hindi na siya tumutuloy roon dahil sigurado siyang aayain siya ng mga ito na sumabay sa pagkain. Tama nga ang Tiya Hulya niya na mababait ang mag-asawa. Pero hindi niya talaga maiwasang hindi pa rin mahiya sa mga ito.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now