CHAPTER 10

328 27 1
                                    

BAHAGYANG sinilip ni Gelaena ang mukha ni Emzara. Nang makita niyang mahimbing na itong natutulog ay dahan-dahan siyang kumilos upang umalis sa kaniyang puwesto. Mabuti na lamang at hindi ito nagising nang tanggalin niya ang kaniyang braso sa ilalim ng leeg nito.

Nang makatayo siya ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang umihi. Kanina pa talaga niya iyon pinipigilan. Hindi lamang siya makaalis sa tabi ni Emzara dahil nakayakap ito sa kaniya.

Pagkatapos niyang gumamit ng banyo, sa halip na bumalik sa kama upang matulog na ay nagpasya siyang lumabas ng silid upang bumaba sa kusina at magtimpla ng gatas. Alas onse y medya na ng gabi. Napagod naman ang katawan niya dahil sa pakikipaglaro niya sa bata kanina maging sa pagsu-swimming nila sa falls na pinagdalhan sa kanila ni Gawen, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng kaniyang antok. Nang humiga si Emzara kanina ay kaagad niya itong tinabihan, pero hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang kaniyang diwa.

Pagkababa niya sa kusina, kaagad siyang nagtimpla ng kaniyang gatas at umupo sa kabisera habang iniinom iyon.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga pagkuwa’y masuyong hinagod ang kaniyang batok at balikat na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin kahit nilagyan naman niya iyon ng salonpas na ibinigay sa kaniya ni Gawen no’ng nakaraang gabi.

“Why are you still awake?”

Bigla siyang nagulat at napalingon sa may pinto ng kusina nang marinig niya mula roon ang boses ni Gawen. Nakita niya itong naglalakad na palapit sa kaniyang direksyon. He’s wearing white round neck t-shirt and gray pajama. Bakat na bakat pa sa suot nitong t-shirt ang malapad nitong mga balikat at dibdib. Oh, hindi niya na naman napigilan ang ma-imagine ang katawan nitong sa unang pagkakataon ay nasilayan niya kaninang umaga.

Marahan siyang bumuntong-hininga at nagbawi ng tingin dito. “Ang hilig n’yo po talagang manggulat, Yorme.” Kunot ang noo na saad niya.

“Akala ko kasi ay walang tao rito dahil nakapatay naman ang ilaw.” Ani nito at nagdiretsong lumapit sa refrigerator at kumuha roon ng malamig na tubig. Pagkatapos ay dinala nito sa mesa ang pitcher at kumuha ng baso.

Ang akala pa niya ay hindi ito uupo roon, pero mali pala siya. Dalawang bakanteng upuan ang nakapagitan sa kanilang dalawa.

“Can’t sleep?” tanong nito ulit sa kaniya.

Marahan naman siyang tumango bilang sagot sa tanong nito. Hindi niya magawang tumingin dito nang diretso dahil heto na naman ang kaniyang puso at nag-uumpisa na namang kumabog. Hindi niya talaga maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit niya iyon nararamdaman! Sa tuwing nasa malapit si Gawen, awtomatik ay iyon agad ang nagiging reaksyon ng kaniyang puso. Para bang nagreregodon kaagad.

Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kusina habang siya ay nakatitig sa baso ng kaniyang gatas at si Gawen naman ay nakatitig sa lamesa.

Banayad siyang bumuntong-hininga. “Mayor!” mayamaya ay binasag na niya ang katahimikang iyon. Naiilang kasi siya at hindi kumportable ang kaniyang pakiramdam, lalo pa’t mas tumitindi ang pagkabog ng kaniyang puso.

Tumingin naman sa kaniya si Gawen. “Yeah?”

Saglit siyang napalunok at tumikhim. Kahit kumakabog-kabog ang puso niya’y pinilit niyang salubungin ang mga mata nito. Mabuti na lamang at hindi niya naisipang buksan ang ilaw kanina kaya malamlam lamang ang liwanag na pumapasok sa bintana sa itaas ng lababo. Hindi nito masiyadong maaaninag ang mukha niyang panigurado siya na namumula na ngayon. Ramdam niya kasi ang pag-iinit n’on. Dim lamang ang liwanag sa loob ng kusina, pero kitang-kita niya pa rin ang magaganda at kulay tsokolate nitong mga mata.

“Sorry po, huh! Pero... narinig ko po kasi ang pag-uusap ninyo ng magulang mo no’ng isang araw. Totoo po ba talagang... patay na ang nanay ni Emzara?” lakas-loob na tanong niya rito kahit alam naman niya ang sagot sa kaniyang tanong.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYAWhere stories live. Discover now