CHAPTER 4

400 42 4
                                    

NAPATITIG si Gawen sa dalaga. From her beautiful and butterscotch-colored eyes, his gaze fell to her pointed nose and red lips. Hindi napigilan ni Gawen na suyurin ng kaniyang tingin ang magandang mukha ng dalaga na ngayon ay mataman ding nakatitig sa kaniya. Bahagya siyang nakayuko habang nakapulupot ang kaniyang isang braso sa baywang nito while his other hand was holding the nape of her neck. Ang isang kamay naman ng dalaga ay nakahawak sa kaniyang braso habang ang isa pang kamay nito ay nakahawak sa tapat ng dibdib nito.

Napalunok siya.

But later, he suddenly came to his senses so he stood up straight and let go of her.

“What are you doing in my room?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya sa dalaga.

Umawang ang mga labi nito, ngunit walang salita ang namutawi rito.

“I said, what are you doing in my room? Are you a thief?”

Nangunot bigla ang noo nito. “H-Hindi.” Mabilis na sagot nito at umiling pa. “H-Hindi po ako magnanakaw, sir.”

“Then what are you doing in my room if you’re not a thief?” umigting pa ang kaniyang bagang habang matalim pa rin ang pagkakatitig niya rito.

Mabilis naman itong nagyuko. “S-Sorry po, sir. E, n-nagulat po kasi ako sa inyo kaya...” napalunok pa ito at bahagyang tumingin sa kaniya, pero muli ring nag-iwas ng tingin. “I’m sorry po, sir.”

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gawen sa ere pagkuwa’y inabot ang doorknob ng pinto at isinarado niya iyon kaya napahakbang ang dalaga palabas. Mabilis siyang tumalikod.

“Manang Hulya!” Malakas na sigaw niya sa pangalan ng matanda habang palapit na siya sa may hagdan.

Napasunod naman si Gelaena.

“Manang Hulya!”

“M-Mayor!” Nagkukumahog naman ang matanda habang palabas na ito ng kusina, kasunod naman nito si Arlene na halatang nagulat din sa dagundong ng sigaw ng batang Mayor.

“Who is she?” galit na tanong niya habang nasa gitna na siya ng hagdan. Tinuro pa niya ang dalaga na nakatayo naman sa itaas ng hagdan.

Tinapunan naman ng tingin ng matandang Hulya ang pamangkin. “Ah, Mayor, siya po pala ang pamangkin ko. Ang bagong yaya ni Señorita Emzara.”

“Emzara’s new nanny?” tanong niya.

“Opo, Mayor.”

“Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?”

“E, w-wala po kasi kayo rito kanina, Mayor. Pero... nakausap ko na po si Señor Salvador nang dumating kami kanina. Nakausap na rin po ng papa ninyo ang pamangkin ko kaya nagsimula na siyang magtrabaho bilang yaya ni señorita ngayong araw.” Pagpapaliwanag ng matanda.

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin kanina nang dumating ako? Bakit si Papa lang ang kinausap mo tungkol sa kaniya? Ako ang nagpapahanap ng bagong yaya ni Emzara kaya sana sa akin ka lumapit para magtanong kung tatanggapin ko ba ang pamangkin mo o hindi.” Galit pa ring saad niya sa matanda.

Napalunok naman si Gelaena habang ipinagpapalipat-lipat ang tingin sa tiyahin maging kay Gawen.

Napalunok din naman ang matanda. “Pasensya na po, Mayor. Ang akala ko po kasi—”

“Alam mo ba kung nasaan itong pamangkin ninyo kanina, Manang Hulya?” tanong niya dahilan upang maputol ang pagsasalita ng matanda. “She was in my room and it was like she was stealing from me—”

“Sir, teka lang po, a!” biglang singit ni Gelaena dahil sa sinabi niya.

Napalingon naman siya rito. At mula sa kinatatayuan ng dalaga ay bumaba ito sa hagdan hanggang sa ilang baitang na lamang ang layo nila sa isa’t isa. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon