CHAPTER 12

297 30 1
                                    

“WHAT did you say?” kunot ang noo na tanong ni Gawen sa nakatulalang si Gelaena.

“H-Huh?” nauutal na sambit niya.

At mayamaya, bigla siyang napakurap nang sunod-sunod. Doon lamang siya bumalik sa sarili niyang ulirat. Muli niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso kasabay niyon ang pag-iinit ng buong mukha niya.

Oh, God! Ano ang sinabi mo sa kaniya, Gelaena? Tanong ng kaniyang isipan.

“Um, w-wala... Wala po, Yorme,” aniya at nagkukumahog na tumalikod at bumalik sa tapat ng kuwarto ni Emzara. Mabilis niyang hinawakan ang doorknob para sana buksan iyon... Ngunit nakailang hila na siya ay ayaw naman iyon bumukas. “Oh, b-bakit ayaw mong bumukas?” tarantang tanong niya sa pinto na para bang sasagot iyon sa kaniya. At nang lumingon siya kay Gawen, nakita niyang lumabas na ito at isinarado ang pinto ng silid nito at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya.

God! Sa klase ng pagkataranta niya ngayon, parang may gusto siyang pagtaguan na humahabol sa kaniya. Well, kung sabagay... Sa pagkapahiya niya kay Gawen dahil sa sinabi niyang guwapo ito, na sigurado siyang malinaw nitong narinig, gusto niya talagang magtago mula rito! Kung puwede nga lang sana bumuka ang marmol na sahig at kainin siya, magpapakain siya para lamang mawala siya sa paningin ng Mayor na ngayon ay nasa likuran niya na.

“Hindi talaga bubukas ’yan, Gelaena.” Seryosong saad nito sa kaniya.

Mas lalo siyang nataranta at ngiwing napangiti sa lalaki habang patuloy niyang hinihila ang doorknob. “S-Sira na po ata, Yorme.”

Tiim-bagang na bumuntong-hininga naman si Gawen at pagkuwa’y lumapit nang tuluyan sa kaniya.

Oh, holy lordy!

Mas lalong nagregodon ang kaniyang puso nang hindi sinasadyang dumikit ang kaniyang balikat sa matigas nitong dibdib. Tila, pakiramdam ni Gelaena ay biglang nag-slow motion ang buong paligid niya habang mataman siyang nakatitig sa guwapong mukha ni Gawen, habang ito naman ay kunot ang noo na nakatingin sa doorknob na hawak-hawak pa rin niya. At nang maramdaman niya ang palad nitong dumaiti sa palad niya, tila ba bigla siyang nakadama ng milyong bultahe ng kuryente na nanulay sa kamay niya mula sa kamay nito.

Jusko!

Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway at mas lalo pang dinaga ang kaniyang dibdib.

“Itinutulak kasi ’yan... Hindi hinihila, Gelaena.”

Ang boses muli ni Gawen ang nagpabalik sa kaniyang ulirat at napatingin siya sa pintuang bumukas nang itulak iyon ng lalaki.

Oh, Gelaena! Puro na lang ba kapalpakan ang magagawa mo kapag siya ang kaharap mo?

“There you go.” Anang Gawen at iminuwestra pa ang kamay nang sabay na bumitaw ang mga kamay nilang nakahawak sa doorknob.

Ngiwing napangiti siya ulit kay Mayor. “T-Thank you, Yorme.” Saad na lamang niya at muling nagmamadali na pumasok sa silid ng kaniyang alaga at kaagad na isinarado ang pinto.

Napasandal pa siya sa likod niyon at napahawak sa kaniyang dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagkabog. Parang gusto na atang lumabas sa kaniyang ribcage.

Mariin siyang pumikit kasabay niyon ang paghugot niya nang napakalalim na paghinga at marahas iyong pinakawalan sa ere.

“My God! Bakit naman ganito? Bakit mas lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko?”

“You like Daddy Mayor!”

Bigla siyang napamulat at napatingin sa may sofa nang marinig niya mula roon ang inosenteng boses ni Emzara. Nakita naman niya ang batang prenteng nakaupo roon habang yakap-yakap nito ang stuffed toy na elepante at nakatingin sa kaniyang direksyon.

THE MAYOR'S SPECIAL YAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon