Expecting Thirty-Six

0 0 0
                                    

EXPECTING THIRTY-SIX

Finlisha Veronica's Point of Veiw

"HAPPY BIRTHDAY, babe!" I greet Ashton with a cake on my hand, he smiled at me. "Thank you, baby" he said and kissed my forehead, I urged him to make a wish. He closed his eyes and then blow the candle after, I put the cake on the table.

"I thought we won't celebrate my birthday together" he said, I just smiled at him. "That's not gonna happen okay? I'm here, naging busy lang pero okay naman" sabi ko.

"I understand, thank you again love" he said and I nodded. I prepare us a dinner, I just told him about my day. "Grabe! Kinakabahan pa ako nun! Kasi baka magkamali ako! Pero kinaya ko!" sabi ko tumango naman siya.

"I know you can" he said, after namin kumain ay sabay naming hinugasan ang pinagkainan namin. Nasa salas na kami ngayon at kinakain ang cake na binili ko para sa kanya, nag message pa ako sa iba naming kaibigan na mag punta rito.

"I call Samuel, he said he'll come" sabi ni Ashton tumango naman ako. Tinali ko na muna ang buhok ko, inayos namin ang salas. Nang maayos na ang lahat ay hinanda ko na rin ang laptop at ang tv, balak namin mag movie marathon ngayon.

"Kinakabahan ako" sabi ni Ashton ng makatabi sa'kin, nginitian ko siya. "Kaya mo yun, I believe in you" sabi ko, tumango naman siya. Bigla namang nag ring ang phone ko, sinagot ko yun ng makitang tumatawag si Samantha.

[Pupunta kami, nandyan na ba ang iba?]

[Wala pa, pero pupunta daw si Samuel ngayon. Nag reply din pala si Francho, pupunta raw sila]

[Sige, si Zharina kaya?]

[I don't think so? Baka hindi?]

[Sige, on the way na kami]

[Sige, ingat!]

Nagpaalam na rin ako kay Samantha, naka pwesto na sa lapag ang mga pagkain. May carpet doon, hinanda na rin ni Ashton ang inumin namin. Nang may nag doorbell ay si Ashton na ang nagbukas ng pinto, rinig ko na ang boses ng mga kaibigan namin.

"Happy birthday!" bati ni Samantha na kasama si Khairro, Enzo, at Samuel. Lumapit naman sa'kin si Samantha at binati ako, bineso niya ako. Inabot naman sa'kin nila ang dala nilang pagkain, inayos ko na lang yun sa coffee table.

"Wala pa ba?" tanong ni Samuel ng makita ang nakabukas na laptop "Wala pa" sabi ni Ashton na halatang kinakabahan, ng mag doorbell ulit ang pinto ay ako na ang nagbukas.

"Fin!" excited na sabi ni Chloeh ng pagbuksan ko siya ng pinto, kasama niya si Mark, Evance, Ashantie, at Macky. Binati ko lang sila at pinapasok. "Happy birthday, Kuya!" bati ni Ashantie sa kapatid.

Sila na ang nag-ayos ng dala nila, ang sunod naman na dumating ay sina Francho at Sapphire. Nagsabi ang iba na hindi raw sila makakapunta kaya nag-okay na lang ako. Umupo na lang kami at hinintay ang result na hinihintay namin.

Xaylaine, Xayrille, and Kenchie are still in America, si Zacharry naman ay may project sa Spain, si Charm ay busy rin ngayon, si Chelsey ay nasa Paris para sa isang Fashion show, si Zharina naman ay busy rin kaya hindi makakapunta.

"May result na!" sabi ni Samuel, tumabi agad ako kay Ashton. He held my hands, praying silently. Naka connect yun sa tv kaya doon kami naka-tutok, zinoom ni Samuel para makita namin.

And when I landed my eyes on that one particular name, I immediately scream and hug Ashton "Love! You passed!" I said and all of us was so happy for Ashton.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now