Expecting Twenty-Six

1 1 0
                                    

EXPECTING TWENTY-SIX

EXPECT THE unexpected. There are things that we thought were meant for us, but they weren't. What we thought belonged to us but it was actually reserved for others, we expected that others would not take it away but it was still taken away.

Xayrille gotten into issues again, kumalat ang picture nila ni Zacharry. Kita namin kung paano niya pinilit na maging malakas kahit na wala si Zacharry sa tabi niya, kahit na wala silang oras sa isa't isa. We knew how much they got each other backs, alam namin kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

But no matter how you want it to last forever, it will end. Sobrang sakit na para sa kanilang dalawa, kaya tinigil na nila. Ang sakit lang din na makitang nasasaktan silang dalawa, Zacharry go to Spain while Xayrille is here.

Palagi namin siyang binibisita dahil baka biglang may mamgyari sa kanya, we keep our eyes on her. She fixed herself, and I'm so proud of her for keeping herself strong despite everything. "Okay lang talaga ako" sabi ni Xayrille at tumango pa.

"Sabi mo" sabi ni Ashantie, despite our busy schedules sinigurado namin na nakakasama pa rin namin si Xayrille. Mas mahirap na ang 3rd year pero kinaya ko naman, dinadalaw ako ni Ashton sa bahay pag may oras siya.

Katulad na lang ngayon, sunday at nasa bahay siya dahil wala raw siyang klase. "I told you, sana nagpahinga ka na lang" sabi ko nakita ko siyang gamit ang laptop ko. "Okay lang naman ako, may pasok na ulit ako bukas" sabi niya habang busy sa laptop ko.

"Edi sana natulog ka na lang muna" I said, umupo ako sa may tapat ng vanity ko. "Wag na muna tayong umalis, magpahinga ka" sabi ko habang nagsusuklay ng buhok ko. "Paano yung gusto mong book launch? Ngayon ang released ng novel na gusto mo di'ba? Limited copies lang yun, baka maubusan ka" sabi niya, binalingan ko naman siya.

"Okay lang yun, it's just a book. I can buy one, or kahit hindi na? Hindi naman na ako mahilig mag collect ng book ngayon" sabi ko, tumango naman siya. Nang matapos ako sa pagsusuklay ay nag blower na rin ako ng buhok, pagkatapos ay naka-tutok pa din siya sa laptop ko.

Tumayo ako at nilapitan siya, nakita kong ginagawan niya ako ng schedule para sa finals ko. Ginagawan niya din ako ng reveiwer! "Ako na dyan, magpahinga ka na. Kahit dyan ka na sa kama ko" sabi ko sa kanya, nilingon naman niya ako.

"I'll be busy this days, graduating and may mga thesis. I'll make it up to you, I promise" he said and stood up, he kissed my forehead "Just rest, you already make it up to me. Sige na, matulog ka na dyan" sabi ko.

Umupo na ako sa may upuan ko sa tapat ng laptop ko, doon ko lang napansin na nire-type niya pala ang mga notes na nasa binder ko! Ang file name pa ay “Veronica's Reveiwer ,docx” tinuloy ko na yun.

Next week na ang finals namin, tinapos ko na yun pagkatapos ay pinatay ko na ang laptop ko ng masave ang file. Tumayo na ako at paglingon ko sa kama ko ay nakita ko ang natutulog na si Ashton, yakap niya ang unan ko. Inayos ko ang kumot at hinalikan siya sa noo, wala siyang tulog kagabi dahil tinapos niya daw ang thesis niya.

Tapos ay dumiretso pa siya rito sa bahay, dahil hindi natuloy ang lakad namin ng isang araw. Nakita ko ang phone niya sa gilid kaya kinuha ko yun, same lang kami ng charger kaya i-charge ko muna phone niya.

Pagbukas ko ay kaming dalawa ang wallpaper niya, naka collage na puro pictures naming dalawa. I smiled upon seeing it, I know I should respect his privacy but I just want to see his applications. I type his passcode, and his home screen wallpaper was my photo.

Yun yung unexpected date namin, I'm smiling at the camera. Saktong nag notif naman ang text messages niya, hindi ko dapat ito binubuksan pero pinindot ko pa din. Kita ko sa may spam niya ang mga messages ni Charlotte na hindi niya nirereplyan, and to my surprise my name on his contact is—

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now