Expecting Eight

7 3 2
                                    

—flashbacks

EXPECTING EIGHT

KAKATAPOS LANG ng klase namin ngayong araw, pero mamaya pa ako makaka-uwi dahil may kailangan pang gawin ang kapatid ko at si Ken. Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate yun.

Ashton Carl Del Luna
• Active Now

Ashton Carl
Can you meet me at the school benches? Near the field, I'll wait you

Nang mabasa ko yun ay nagpaalam na muna ako kanila Ken at Francho bago nagpunta sa benches.

Natanaw ko naman na siya doon, bumuntong hininga na muna ako bago lumapit sa kanya. "Kanina ka pa?" tanong ko kaya napa-lingon siya sakin.

"Hindi naman" sabi niya tumango naman ako, umupo ako sa tabi niya. I don't know how to start a conversation between us! I don't have any idea why he wants me to come here?

"Finlisha..." he call me and I turn my gaze at him. "Hmm?" yun lang ang sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanya dahil maski ako ay kinakabahan. "Do you read the letter inside?" tanong niya.

Tumango naman ako dahil nabasa ko naman talaga yun. "Ahm, oo nabasa ko" sabi ko at ramdam ko naman na nag-iinit na ang mukha ko

"I mean it Finlisha, I really do. Takot lang ako dahil baka i-reject mo ako so? I said all my feelings through letters. But now? If you really do reject me I'll accept it. I already expected it that will happ—"

"No! I mean, you got the wrong expectation" sabi ko dahil hindi ko naman siya i-reject. Nagulat naman siya sa sinagot ko, I can see hope in his eyes.

"You mean?" tanong niya

"I mean..." I can't said the words! Hindi ko alam pero parang bigla akong naging pipe ng mga oras na yun! Pina-ngungunahan ako ng kaba ko! Gusto kong magsalita pero wala talaga!

"It's okay Finlisha, no need to force yourself to accept my feelings for you because I have. I understand and accept whatever your decision is, no matter what your answer is" sabi niya.

"Mali ka, hindi ka naman rejected" sabi ko at mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko, hanggang doon lang ang kaya kong sabihin dahil hindi ko talaga masabi ang gusto kong sabihin sa kanya!

"That's okay for me" he said and smiled at me. Kinuha ko yung medal na binigay niya sa bag ko, nagulat naman siya ng ilagay ko yun sa palad niya. "Sayo yan, you won the game because you are a good player. Keep it, you are the one who needs to keep this kind of awards"

Nginitian ko naman siya, akala ko ay tatanggapin na niya pero nagulat ako ng isabit niya yun sa leeg ko. "No, your the reason why I am one of those good players. I get it because of you Finlisha, and I want you to keep this as my achievement for you" sabi niya.

I don't know how to react!

"Thank you" yun na lang ang nasabi ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. We stay for a couple of minutes there until Francho and Kenchie came.

"Ahm, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Ashton, umiling siya "Maya-maya pa, hihintayin ko pa si Trinity may meeting pa sa isang niyang club" sabi niya tumango naman ako.

"Sige, mauuna na ako sayo" sabi ko tumango naman siya. He smiled at me so I smiled at him too. "Ingat ka" he said, I nodded at him and wave my hand "Bye, ingat ka din" sabi ko.

He just wave his hand at me, sumama na ako kay Francho at Ken na naghihintay sakin. Alam ko na marami silang gustong itanong sakin pero hinayaan muna nila ako na i-process yun lahat sa utak ko.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora