Expecting Twelve

7 4 13
                                    

EXPECTING TWELVE

WALA KAMING practice session ngayon dahil marami raw kailangan gawin sina Charm ngayon. Sakto naman na maaga ang uwi ko at si Kenchie ay the usual may date.

Naisip ko na dumiretso sa school nila Francho para sabay na kaming umuwi ngayon. Nang makarating ako sa parking lot ay dumiretso ako kung saan naka-park ang kotse ko. Sumakay na ako at pinaandar na yun papunta sa school nila Francho. Nag message na din ako kay Francho na pupuntahan ko siya.

BROTHER

I'm going to your school right now, maaga ang uwian ko. Aantayin na lang kita para di ka mahirapan.
Sent ✓

Nang makarating sa school nila, ay agad din naman akong pinapasok ng guard ng mapakita ko ang ID ko, nagpark na din ako, pagkatapos ay kinuha ko ang gamit ko at nagpunta sa may mga benches at doon na lang umupo.

Habang naghihintay doon ay naisipan kong ilabas na muna ang mga libro at ang notebook ko. Wala pang reply ang kapatid ko, nagulat ako ng may mag lapag ng gamit sa harap ko.

"Are you waiting for your brother? Or expecting someone?" tanong ni Ashton at naupo sa harap ko. "I'm waiting for my brother" sagot ko tumango naman siya.

"If my memory was right, he have one last class today until five pm" he said, napatingin naman ako sa orasan at two pm pa lang! Maghihintay ako ng mahigit tatlong oras kung hihintayin ko pa ang kapatid ko!

"How did you know?" tanong ko, sumandal siya sa may inuupuan niya bago ako sinagot "He's with Trinity today, and I'm also waiting for her" sabi niya, tumango naman ako.

I heard my phone, and when I checked it I saw my brother's reply.

BROTHER

I still have one class Ate, hanggang five pm yun. Maghihintay ka ng matagal kung hihintayin mo pa ako. Baka wala kang kasama ngayon dyan, sabihan mo na lang ako Ate if hihintayin mo pa ako okay? Love you Ate hehe
Sent ✓

"Hihintayin mo pa rin ba si Vince?" tanong niya, tinignan ko muna ang oras bago sumagot "Hihintayin ko na lang, wala naman akong gagawin ngayon. Atsaka para hindi na din mahirapan na maghanap ng sasakyan ang isang yun" sabi ko. Nag reply naman ako sa kapatid ko.

BROTHER

Hihintayin na lang kita, wala din naman akong kailangan gawin ngayon
Sent ✓

"You want to come with me?" napa-baling ang atensyon ko kay Ashton, "Saan?" tanong ko, baka kung saan ako dalhin ng isang ito.

"Easy, I won't let you get in trouble. Tandaan mo, dalawa ang papatay sakin sakaling mapahamak ka" sabi niya at tumawa pa. I smiled when I realized what he said. Dalawa ang papatay sa kanya? Si Kenchie at Francho.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, inayos ko na ang gamit ko at nilagay yun sa bag ko. Ganun din ang ginawa niya, inayos niya ang gamit niya at nilagay yun sa bag. "Somewhere? I mean kahit saan? Kung saan pwede? Do you have place in mind?" tanong niya.

"Wala din, ikaw?" tanong niya tumango naman siya sakin "Hindi ko lang alam kung gusto mo yun" sabi niya. Tumayo na ako ganun din siya. "Wag na sa mga malls ha? Sawa na ako" sabi ko tumango naman siya.

Mas nauna siyang maglakad sakin, naka salubong pa namin si Charm. "Saan kayo pupunta?" tanong niya at binalingan pa kaming dalawa. "Hinihintay kasi namin sina Vince at Trinity and we decided na lumabas muna habang naghihintay" sabi ni Ashton.

"Hmm? Date?" tanong ni Charm at nginisian pa ako. "No! Ano, ahm, may pupuntahan lang kami! Mabobored lang kami if dito kami maghihintay kaya hahanap kami ng ibang place" paliwanag ko.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now