Expecting Seventeen

2 1 0
                                    

EXPECTING SEVENTEEN

AFTER THE foundation week, back to normal na ulit kaming lahat. Nag focus na ulit ako sa school works and pag papractice sa swimming dahil may competition akong sasalihan this coming April.

At dahil sunod-sunod ang busy days namin ay naisipan nila Kenchie at Francho na magmall para makapag unwind kaming tatlo. Saktong bibili din si Francho ng mga kailangan niya, kaya sumama na lang ako.

Kumain na muna kami bago kami maglibot sa mall, after nun ay doon na kami naglibot. Mas mukha pang babae ang dalawang ito dahil sila ang mas masipag maglakad sakin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanila ng ayain na naman nila ako paakyat, hindi ko alam ang trip ng dalawang ito. Pagkarating namin sa 3rd floor ng mall ay nakita ko sa malayo si Chloeh na nakikipag usap sa dalawang lalaki.

"Si Chloeh yun di ba?" tanong ni Francho ng mapansin din si Chloeh tumango naman ako, balak ko na sanang lumapit ng pigilan ako ni Kenchie "Let me, Isha" he said, napansin ko na din kasi na parang may problema.

Sasagot pa sana ako ng lumapit na si Kenchie doon, kita ko pang inakbayan niya si Chloeh. Inakbayan naman ako ng kapatid ko, "Tara na Ate, kaya na nila yan" sabi niya kaya wala na akong magawa.

Dumiretso kami ni Francho sa may national book store dahil may bibilhin daw siyang journal, binalikan ko yung book na gusto ko pero wala na dun! Nagtingin pa ako ng iba pero wala na talaga nun!

Dapat pala binili ko na yun! Kaso wala naman akong magagawa, sana lang magkaroon na ulit sila ng stock nun!

"Xayrille?" tawag ko kay Xayrille ng mapansin ko siya, and siya nga yun. "Fin, who's with you?" tanong niya, nagtaka siguro dahil lumabas ako at busy days ko pa.

"Ahm, I'm with—" I cut my words when Zacharry arrived and spoke "I'm done, may bibilhin ka pa b— Oh? Hi Fin" Zacharry greet me and smiled at me.

"Oh? A date? Or what?" tanong ko at inasar pa sila, mukhang pag may naka-kita sa kanila ay panibagong topic yun ng mga kaibigan namin.

"No, it's just a usual days" sagot ni Xayrille pero tinanguan ko na lang yun. Nagpaalam na din sila sakin, dahil babayaran na daw nila ang mga binili nila. After kong tignan ang mga books doon ay binalikan ko na ang kapatid ko.

"Mas maganda kayang kulay ito" rinig ko ang boses ni Sapphire? At ng makalapit ako ay nakita ko si Francho na kausap si Sapphire. May mga hawak silang highlighter at tina-try yun sa papel.

"Neon naman yan, masakit sa mata" sabi ni Francho pero inirapan lang siya ni Sapphire, pati ba naman dito ay magtatalo sila? "Whatever! Vincent, nagtatanong ka kung anong magandang highlighter and nung nag recommend na ako nagrereklamo ka? Ano ba talaga gusto mo?!" inis na sabi ni Sapphire.

"Mas maganda ka kaya, why don't you recommend yourself? I would likely to appreciate and accept it. And what I like? I like you, Sappy" sabi ni Francho, I saw how Sapphire's face heated up. At para hindi na maka-abala sa kanila ay tumalikod na lang ako kaso bumangga naman ako.

"Sorry" sabi ko dahil nakaka-hiya sa tao pa talaga ako bumangga! "I got you" nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yun, agad akong lumayo at tinignan siya. "Kuya Ashton!" rinig kong tawag ni Francho kay Ashton na nasa harapan ko.

"Ate! Bumili ka ba ng kailangan mo?" tanong ni Francho umiling ako. "No, wala na yung novel na balak ko bilhin" I said and my brother nodded. I greet Sapphire, and she do greet me too, nagpaalam na kami sa kanila na mauuna.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon