Expecting Sixteen

2 1 0
                                    

EXPECTING SIXTEEN

"I'LL GIVE your shoes after your performance, goodluck and I know you'll win. Goodluck Veronica, I'm rooting and expecting you"

After Ashton said those words he left us, siniko naman ako ni Kenchie. "Ano ba talagang meron?" tanong ni Kenchie at nginisian pa ako. "Wala!" sagot ko pero tinawanan niya lang ako. "Take me home, I'm fallen ~" kanta pa ni Kenchie

"Tigil-tigilan mo ako Kenchie Dave! Napaka assuming mo!" sabi ko, inakbayan naman niya ako. "Hindi ako assuming Isha, I'm just happy seeing you happy"

"Love me long, I'm rollin' ~"

"Isa!" sabi ko at sinamaan pa siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Nang tinawag na ang number namin ay inalalayan na ako ni Kenchie na umakyat sa stage. Gaya ng pinractice namin ay pumwesto na kaming dalawa.

Nagsimula na ding tumugtog ang kanta para sa sayaw namin. At nagsimula na din kami, all in all, our performance was good. Buti na lang hindi ako nagkamali at maayos naman namin nagawa yun.

Pagkatapos ng performance namin ay sinalubong na agad kami nila Xaylaine. Inabot naman ni Ashton ang sandals ko, alam kong napansin nila yun, umupo si Ashton sa harap ko at tinulungan niya akong isuot ang sandals ko.

After namin doon ay dumiretso na muna kami sa isang room dahil mamaya pa naman sina Xaylaine. Dumating naman sina Chelsey kaya nagkaroon kami ng picture lahat, kaming dalawa ni Xaylaine ang nasa gitna.

"Ang galing niyo!" sabi ni Chelsey samin ni Kenchie "Kaya nga! Kung hindi kayo mag pinsan, bagay kayo!" sabi pa ni Zharina, inakbayan naman ako ni Kenchie at ngumisi pa.

"Hala! Isha is already have someone in mi—" bago pa matapos ni Kenchie ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bibig niya. "Gets naman namin" asar ni Chloeh, tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Kenchie.

"Wag kang magreklamo! Mabango yang kamay ko! Kamay ko nga nahiya sa hininga mo!" sabi ko pero tinawanan lang nila ako "Oo na, mabango na yang kamay mo! Halos sambahin nga ng isa dyan nilalakaran mo" sabi ni Kenchie pero inirapan ko lang siya.

"Nandito pala ang ating newlyweds!" sabi ni Khairro ng mapansin sina Sapphire at Francho na magkatabi ngayon. "Nanahimik na ako, please lang!" sabi ni Sapphire dahil alam niyang aasarin na naman siya ng mga kasama namin.

"Nanahimik na din ako, Sappy. Hindi na ako umiimik about dyan!" sabi ni Francho at nagtaas pa ng kamay at humarap kay Sapphire. "And it reminds us of two person!" sabi ni Zacharry at sina Charm at Mark naman ang binalingan.

"What? It's in Junior High era!" sabi ni Charm na inilingan lang ni Mark. Sinenyasan niya din kami na baguhin na ang topic dahil halatang hahaba lang ang topic na yun. "Anyway, kailan ang performance niyo?" tanong ni Sammy kanila Evance at Xaylaine.

"Later, the organizer will call us" sagot ni Evance na tinanguan lang din ni Xaylaine sa tanong ni Sammy. Nag stay pa sila ng ilang minuto bago sila umalis, bumalik na din kami ni Kenchie sa mga pwesto namin dahil magbibihis pa ako.

Si Charm at Sapphire na ang kasama ko ngayon, dahil ang mga lalaki ay kasama ni Kenchie. "May dapat ka bang sabihin samin? Finley?" sabi ni Sapphire kaya nagtaka ako, sabihin? Ano?

"Ha? Ano naman?" tanong ko nagkatinginan na muna sila bago ako binalingan "We saw Ashton holding your sandals earlier when we're watching your performance" sabi ni Charm, talaga bang hindi niya binitawan ang sapatos ko?!

"We offer him na kami na ang magdadala since kami naman ang in-charge sa mga gamit mo. But he insisted, and sinabi niyang siya na lang daw, and the whole performance he never leave your sandals, hawak niya the whole time!" sabi ni Sapphire.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now