Expecting Five

16 3 1
                                    

—Flashback of Finlisha's high school past, where she meet and encounter Ashton the first time.

EXPECTING FIVE

"FINLEY!" NAPA-LINGON ako sa tumawag sakin at kinawayan ko agad siya. Tumakbo naman siya palapit sakin, "Tara na" she said so I nodded, she's Charlotte my friend. We're in second year high school, grade 08 na kami. Patapos na ang grade level namin, wala naman na talagang klase ngayon kaso completion kasi ng mga activities.

Pagpasok namin sa room ay maingay na agad ang room kahit walang teacher, sanay naman na kami dahil lagi naman ganun. Sa unahan ako naka-upo at si Charlotte naman sa dulo dahil naka-alphabetical order ang seating arrangement namin.

Ako ay nasa unang row dahil Alvarez ang last name ko, si Charlotte naman ay Zamora kaya sa dulo siya. "Isha!" nilingon ko si Ken na ngayon ay kakarating lang, lumapit agad siya sakin. "Nauna ako sayo" pagyayabang niya pa sakin.

"Nauna naman ako sa room" sabi ko at binelatan pa siya, tumawa lang samin si Samuel "Hoy Charlotte!" tawag ni Ken sa kaibigan ko, mag-aaway na naman silang dalawa. "Ano na naman Kenchie?!" inis na sabi ni Charlotte.

Nilapitan naman siya ni Ken kaya natawa kami, tumabi naman sakin si Samu. "Magsisimula na naman sila" sabi ni Samu na tinanguan ko lang, narinig na namin ang bangayan nilang dalawa. Sanay na ang mga kaklase namin sa ingay nilang dalawa.

"Mr. President" napatingin kami sa bagong dating na si Mark, ang class president namin. "Hindi daw makakapasok ngayon si Ma'am Alcazar, kaya gawin niyo na lang daw ang mga kailangan ipasa dahil hindi na daw tatanggap ang mga teacher natin ng late na activities" announced ni Mark.

Si Ma'am Alcazar ang adviser namin, and our English teacher. I already passed my activities so I'm okay, wala na akong kailangan na problemahin. "Excuse nga po kay Chloeh" lahat kami napalingon sa nagsalita.

"Chloeh, may naghahanap sayo" sabi ni Mark na nasa unahan, tumayo naman si Chloeh at lumapit sa lalaking naghahanap sa kaniya. The guy was tall, dark, and handsome, ang alam ko ay grade 09 siya.

"Thank you Ashton" rinig naming sabi ni Chloeh, nakita ko naman ang kasama nung lalaki at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino yun. Nginitian naman agad ako ni Sapphire bago kumaway sakin, kinawayan ko na lang din siya.

Bigla naman akong napatingin sa lalaki at nagulat ako ng makitang nakatingin din siya sakin. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil bigla akong nailang. Sapphire was grade 07, I met her because she was my brother's classmate.

"Crush mo?" biglang sabi ni Samu kaya nagtaka ako, naka-alis na pala ang lalaki at naka-balik na din sa pwesto niya si Chloeh "Ha? Pinagsasabi mo?" sabi ko pero tinawanan lang ako ni Samu.

Naalala ko na ang lalaking yun, yun ang pinsan ni Sapphire na madalas sumundo sa kanya pag nagpupunta ako sa room nila para sa kapatid ko. Ashton pala ang name niya, nilingon ko naman si Chloeh na sinilip ang laman ng paper bag na bigay ni Ashton.

Kita ko kung paano siya ngumiti, boyfriend niya kaya yun? Ang bata pa kaya namin para sa ganun pero sila naman yun. "Dapat pala hindi na lang ako pumasok" sabi ni Samu na halatang bored na dahil wala namang klase ngayon.

"Kaso sayang ang baon" dagdag pa niya kaya hinampas ko siya sa braso "Aray! Kailan ka pa natutong manakit Isha?" sabi niya pero inirapan ko lang siya. "Ahm, excuse me? Ka-group kita sa Science di ba?" pareho kaming napa-lingon kay Chloeh.

Tumango naman ako sa kanya, nginitian niya ako bago ibigay sakin ang isang papel "Ahm, yan nga pala ang mga activities ko, sorry na late tinapos ko pa kasi yung mga hindi ko natapos noon" sabi ko tumango naman ako "Okay lang, sige salamat" sabi ko at tinanggap na ang papel niya.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now