Expecting Twenty-Eight

1 1 0
                                    

EXPECTING TWENTY-EIGHT

IT WAS a big celebration in business world, but a special celebration for Bautista Family. Because finally, after twenty two years they'll be with their real child. Malaking place ang venue ng party na yun, the theme was just simple. Ngunit alam mong engrade yun, nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng venue. Mula sa labas ay kita muna ang red carpet, at ang maraming camera.

May nagbukas ng pinto ng kotse namin, naunang bumaba si Francho kasunod ako. Naglahad ng kamay ang kapatid ko at tinanggap ko yun, sa naunang sasakyan sina Papa at Mommy. Naunang naglakad sina Mommy at Papa sa red carpet, kasunod kami ni Francho. Bago pa ako makalakad ay may tumabi na sa'kin.

"Kenchie?!" gulat kong tanong ng makita si Kenchie sa tabi ko na inaayos ang suite niya. "Gwapo ko?" sabi niya, I smiled upon seeing my cousin. Nilahad niya ang braso sa'kin, doon ako kumapit at nasa gilid namin si Francho. "May date kasi yang kapatid mo, kaya ako muna date mo" bulong ni Kenchie.

Lumakad na din kaming tatlo, our family is known for being the best owner of hospitals. But they don't let ourselves involved in business world, like going on partys or even interviews by media. Palaging common friends lang ang pinupuntahan talaga naming party ng sama-sama.

Nang makarating sa mismong entrance ay hinarang muna kami ng media pansamantala. "Doctor Kellar, can you tell us something about your new hospital located in Baguio?" the host asked Papa. "Well, it was good and trusted Engineers and Architects are already working on it. Besides, we also pick some trusted and good doctors and nurses who will be assigned to that place. It was soon to open, and we're so thankful for another opportunity because people are still trusting us" sagot ni Papa.

"The hospital is private or public, doc?" tanong ulit ng isa "It was a public hospital, but we're planning to build another private hospital. But for now, our priority is public hospital for our patients" sagot ni Papa. Sobrang daming camera pero kailangan kong tiisin yun, medyo napapagod na din ako sa pagtayo dahil ang tagal nila magtanong!

Tinanong din nila si Mommy about sa law firm nitong successful din, at may magagaling na abogado. Sinagot naman nila yun ng maayos at ng akala ko ay okay na ay sa'min naman napunta ang atensyon ng media.

"Can we ask you, where the jewelry from? It was unique and looks expensive" sabi ng isang host sa'kin, napahawak tuloy ako sa suot kong kwintas. "Ah, my jewelries came from Bautista Jewelries" sabi ko, suot ko ang alahas na binigay ni Tita sa'kin.

Bumagay naman yun sa suot kong color gold long gown, long sleeve long gown ang suot ko ngayon. Fit yun sa katawan ko at citru ang sleeve niyon, habang ang buhok ko naman ay nakalugay lang, may design lang sa buhok ko para mas magandang tignan. I also brought some purse na ang laman lang ay phone, wallet, and foundation pang retouch mamaya.

"Is it a limited edition jewelry from Bautista Jewelries? Or own design?" tanong ng media, I just smiled "Own design" sagot ko, honestly speaking ayaw kong ipangalandakan na si Tita ang mismong gumawa at nag bigay nito. Alam ko na ang sunod na itatanong nila kaya, inunahan na nila Papa ang media.

"I'm sorry but we won't answer any private questions now" sabi ni Papa at hinayaan na kaming umalis doon. Nakahinga na rin ako ng maluwag, they'll be asking how much my jewelry cost! And I don't know! Naka kapit lang ako sa braso ni Kenchie.

Mula sa labas hanggang sa loob ay puno ng media at mga kilalang business man, may nag assist sa'min kung saan ang pwesto namin. Sobrang daming tao ngayon pero alam mong limitado lang ang pwedeng pumasok dito.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now