Expecting Seven

7 3 4
                                    

—Highschool flashbacks

EXPECTING SEVEN

"HAPPY BIRTHDAY!!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil binati agad ako ng kapatid ko at ni Ken or hindi dahil inabala nila ang maganda kong tulog.

"Hindi naman kayo naka-istorbo" sabi ko at bumangon na, lumapit ako sa kanila "Wala man lang 'thank you sa pinaka-pogi kong pinsan at pinaka-paborito kong kapatid' ganyan ka na talaga Isha" sabi pa ni Ken napa-iling na lang

I close my eyes for my birthday wish then blow the candle on the cake. "Ikaw lang pinsan ko at isa lang din ang kapatid ko" sabi ko, tinawanan naman nila ako "Happy Birthday Ate" sabi ng kapatid ko, nginitian ko naman sila.

"Thank you pa din syempre" sabi ko dahil nag-effort pa din silang dalawa dun. "Happy birthday Isha!" bati ni Ken sakin nilapag niya muna ang cake sa coffee table sa kwarto ko bago kami nag-group hug tatlo.

"Maligo ka na Ate tapos magbihis ka na din. Magce-celebrate tayo ng birthday mo" sabi ni Francho kaya tumango na lang ako sa kanila, umalis na sila ng kwarto ko.

Today is June 23 my birthday, I'm now fifteen years old. Inayos ko na muna ang kama ko bago ako dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili ko.

Nang matapos maligo ay pinili ko na lang suotin ang purple kong dress. Fit yun sa bewang at hanggang tuhod ko lang yun, fluffy siya sa bandang braso. Hanggang siko lang siya, I just paired it with my white sandals and white shoulder bag.

Nang matapos ay sinuklay ko na lang muna ang buhok ko at hinayaan siyang naka-lugay. Nang matapos ako ay bumaba na ako at dumiretso sa dining area.

"Happy Birthday!!" bungad sakin ng mga maid namin sa bahay, may mga nakahanda sa lamesa namin at nandun na din sina Ken at Francho. May cake din sila pare sakin, I smiled at them.

"Thank you po" sabi ko at lumapit na sa kanila, I close my eyes again and think for my wish, after that I open my eyes and blow the candle. Naka-lagay din dun ang cake na dala nila Ken kanina para sakin, ang dami naman nito.

"Kain na kayo bago kayo umalis" sabi ni Manang ang mayordoma ng mga katulong. Siya na din ang nag-bantay saming magkapatid noon kaya kilala na talaga namin siya. Umupo na ako at ganun din sina Ken "Manang saluhan niyo na po kami, kesa naman po kaming tatlo lang" sabi ko.

Tatanggi pa sana si Manang kaso pinilit ko pa din kaya ang ending ay sumabay na sila samin. Wala si Mom ngayon dahil busy siya, at naiintindihan ko naman yun. Masaya kaming kumain lahat ng breakfast, kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang cake na bigay nila.

Ang cake na bigay nila Ken at Francho ay round red velvet cake, dedication cake yun na ang nakalagay ay—

Happy 15th
Birthday Isha

From:
Ken and Francho

Ang bigay naman sakin ng mga maid namin ay yung box na dedication cake flavor ay chocolate. Ang nakalagay naman sa kanila ay—

Happy Birthday
Finley

Pareho ko yung kinain at nag-share na din kami sa kanilang lahat. Masaya akong nag-celebrate ng birthday ko bago ako umalis ng bahay. Nang matapos kumain ay nag-ayos lang ako saglit pagkatapos ay umalis na din kami

Kotse nila Ken ang sundo namin kaya sumakay na kami. Sa back seat ay kaming magkapatid at sa passenger seat si Ken. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero alam ko naman na alam na nila ang mga gusto ko.

Expecting Someone Special (Dare Series Three)Where stories live. Discover now