Chapter 55: Second chance?

158 14 6
                                    

Mary Claire Pov's

Simula noong araw na naghiwalay kami ni Nicolai, parang wala ng silbi ang buhay ko. Halos araw-araw namamaga ang mga mata ko, natuto akong magkulong sa kwarto, at wag kumain.

Gumawa pa nga ako ng diary ee' kaso sinunog ko rin kasi masakit kapag nababasa ko. Laking pasasalamat ko na may isang taong dinamayan ako at yun ay si Hazel Perez, never niya ako iniwan, lagi niya akong dinadalaw sa bahay.

"Bunch tama na, wag ka ng umiyak." bunch nga pala ang tawagan namin. "Bakit ganun? ang sakit-sakit. Bakit ngayon pa niya ako iniwan kung kailan sobra ko na siyang mahal." Pagmamaktol ko sa kaniya habang umiiyak. Sabado ngayon kaya nandito siya sa bahay namin. "Siguro may rason siya." Nagdadalawang-isip na sagot niya sa akin, lintik na rason na yan, walang kwenta!

"Rason? rason na naman? bakit di niya masabi ang lintik na rason na yan? okay lang naman kung sasabihin niya na hindi niya ako mahal ee' kasi mas madali ko pang matatanggap o sadyang bakla lang siya?." sumbat ko.
"Hindi ko din alam bunch, kakausapin ko na lang siya kaya please tumigil ka na sa kakaiyak kasi namamaga na yung mga mata mo. Tapos kumain ka na rin para ka na kasing buto't balat at wag kang magkukulong dito sa kwarto mo maghapon. Jusko! Lalaki lang yun iniiyakan mo na? Look at your face! Ang pangit mo na!" Parang stress na stress na nakatayo at nakapamaywang pang sabi niya sa akin.

"Ang sama-sama niya bunch, sinaktan niya lang ako. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sana di na lang ako pumayag na---."  at natigilan ako sa balak kong sabihin, kung hindi ko naalala na plano lahat ng namamagitan sa amin ni Nicolai, mabubuking na sana ako.

"Na ano bunch?" tanong niya sa akin na naghihintay pa sa sasabihin ko, kaya nakapag-isip ako agad ng palusot. "Na mahalin siya at sinagot ee' di sana di ako nasasaktan ng ganito. Ang tanga-tanga ko! sobra." pati sarili ko sinisi ko sa katangahan ko. Sorry bunch, I lied to you. Ito na siguro yung karma ko sa ginawa ko sayo. Napabuntong-hininga na lang siya.

Fastforward. Nagbakasyon din ako sa cagayan almost three months doon na ako nag pasko at bagong taon, akala ko makakalimutan ko na siya pero mali pala ako dahil habang pinipilit ko siyang kalimutan mas napapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal.

January 04, 2013 na kaya back to school, balik sakit din hahaha, pagdating na pagdating ko kinausap ako ni Mary Grace about kay Nicolai. Psh! Kararating ko pa nga lang pangalan na naman niya maririnig ko? Pambihirang buhay naman to! Sobra ng pasakit ito ah.

"Mary Claire, mahal mo pa ba si Nicolai?." tanong ni Mary Grace sa akin na umupo sa tabi ko.
"Hindi na, nakamove-on na ako." nakangiti kong sagot, sinungaling! Sabi ng kabilang isip ko. Dyan ka magaling Mary Claire, ang magsinunggaling.

"Talaga lang ah? eh bat mo ginamit si Jam? para ano?." Dumating pa nga pala sa punto na ginamit ko yung kaibigan niya para maging panakip butas at ipakita na naka move-on na ako sa kanya. Kahit ni katiting walang nagbago sa nararamdaman ko para kay Nicolai.

"Wala! alam mo Mary Grace matagal ng tapos ang three months  kaya wag na natin ibalik ang tapos na okay, bagong taon na kaya panibagong buhay na naman." Sinadya kong iiwas ang issue, mahirap na baka kung ano pa ang masabi ko na pagsisihan ko ng sobra sa huli.

Tumayo na ako at aalis na sana ng biglang hilain ako ni Mary Grace at mapa-upo ulit. Walang nagbago, chismosa pa rin kahit kailan!

"Alam mo ba Mary Claire, sinabi sa amin ni Nicolai na nanghihingi siya ngayon ng malaking pera para sayo. Kasi gusto kaniyang ilibre palagi kahit pagkain lang daw, atsaka mahal na mahal ka daw kasi niya. Kaya sana balikan mo na si Nicolai." Nakangiting nakakaloko si Mary Grace.

WOW! ako pa ang makikipagbalikan? bakit ako ba ang nakipaghiwalay hindi naman di ba? nang matapos niyang sabihin yun sa akin, nagsalita ulit ako "Alam mo rin ba? Na bagong taon na pero chismosa ka pa rin? Dapat yan ang new resolution mo ngayong taon" at walang pagdadalawang-isip na tumayo ako at diritsong lumabas ng classroom.
Ayaw ko ng makarinig pa about sa kaniya.

January 22, 2013 nagkabalikan kami ulit hahahahaha, oh di ba ang rupok ko hahahaha.

Flashback

"Hoy! buksan nyo nga ang pinto please! palabasin nyo ko?." Malakas na sigaw ko habang sinu-suntok ang pintuan ng classroom namin, ikaw kaya ikulong sa isang room na ang tanging kasama mo ay ang taong nanakit at umiwan sayo. Hanep! ang ganda ng plano nila noh?

"Tumigil ka na nga dyan, kasi kahit anong gawin mo hindi ka nila bubuksan gusto lang naman kitang kausapin ee." kaya tumigin na ako kay Nicolai at siningkitan ko siya ng mata. Oo di kayo nagkakamali ng basa si Nicolai talaga ang kasama ko dito sa room namin. Bwesiiiiiiit!

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan kasi matagal ng tapos, kasi di ba tinapos mo na?." sa sobrang inis ko di ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kaniya yun.
"Sorry, Mary Claire nagkamali ako. Akala ko kasi tama yung naging desisyon ko na iwan ka at saktan." ang tanga talaga niya, ngayon lang niya na-realized?

"Buti alam mo na nasaktan mo ako ng sobra noh?." Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Kaya nga, andito akao ngayon para itama ang mali ko ee. Mahal kita kaya sana bigyan mo pa ako ng 2nd chance. Alam ko naman na mahal mo pa rin ako ee, kasi kung hindi, hindi mo naman isusumbat lahat yan sa akin di ba?." bilib na bilib talaga siya sa sarili niya noh? Aba matindi!

Na speechlees ako sa sinabi niya, kasi lahat ng sinabi niya totoo. Kaya pumayag ako kasi mahal ko rin naman siya hehe.

End of Flashback

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon