Chapter 34: Emote

161 12 0
                                    

MARY CLAIRE POV'S

Dali-dali akong tumakbo palabas ng campus dala yung mga regalong natanggap ko. Ang sakit lang ng nasaksihan ko kanina sa lobby kaya naman sa kabilang hagdanan ako dumaan.

Biglang sumakit yung dibdib ko sa nakita ko kanina. Nakita ko si Elizabeth na umiiyak habang nakayakap kay Jheru. Kaya pala ang tagal niyang bumalik kasi nakipagkita pa pala siya sa ex niya. Yun ba yung gusto niya ipakita sa akin at sabihin? Na nagkabalikan ulit sila? Halata sa mukha ni Jheru na nasasaktan siya para kay Elizabeth nakayakap din siya kay Elizabeth pero sana naisip rin niya na posibleng masaktan ako.

Bakit sa ganung tagpo ko pa sila nakita? Nakakatawa talaga, kanina lang ang saya-saya ko tapos ngayon nasasaktan ako. Ang ganda ng regalong natanggap ko, di ko nakayanan kaya umalis na ako at bumalik sa classroom para kunin ang mga gamit ko. Pinunasan ko muna yung mga luha ko, ayokong makita nilang umiyak ako.

Napansin ako ni Choi.
"Oy! Mary Claire, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Choi habang pinapanood niya akong mag-impake.

"Ahhh! uuwi ako sa bahay, kasi masama ang pakiramdam ko, nahihilo ako." pagsisinungaling ko.

"Ah ganun ba, gusto mo hatid na kita?". Pumayag ako pero hanggnag gate lang, nagpatulong ako sa kaniya, sasakay nanlang ako ng tricycle. Pagdating namin sa gate, pumara siya ng tricycle at pinasakay niya ako. Salamat kasi hindi ako nakita ni Jheru. Binati ako ulit ni Choi at sinabi kong siya na bahala magpaliwanag sa teacher namin kapag hinanap ako, nagpasamalat na rin ako sa kaniya sa paghatid sa akin, bago umandar yung tricycle na sinakyan ko.

Nagmano ako kay mama at pumunta ng kusina para uminom ng tubig at nagtatakang sumunid siya sa akin.
"Oh? anak, bat ang aga mong umuwi. Wala na ba kayong klase?" Sabay abot niya ng slice bread at peanut butter sa akin.

Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko para di na niya ako usisain. Baka mamaya magiiyak ako sa harapan niya, mahirap na. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam ako kay mama na aakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga. Tatawagin na lang daw niya ako mamaya kapag kakain na.

Iyak lang ako ng iyak habang bumabalik sa isipan ko yung nakita ko kanina sa lobby. Tang-ina* lang kasi, ang sakit. Nakakaselos, pero ano nga ba magagawa ko? Kaibigan lang naman ako at ex-girlfriend niya yung kayakap niya kanina. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko kasi sumasakit na sa kaiiyak. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Siguro dahil sa pagod.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu