Chapter 10: I hate goodbyes

267 20 3
                                    

I thought everything was fine, I changed myself, Adrian came back, we were happy.

One night passed. Something terrible happened. The thieves entered our house. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi namin napansin na pinasukan kami ng mga magnanakaw. Narinig na lang namin ang tita ko na sumisigaw ng tulong ginahasa ako. Pagkatapos ng pangyayaring yun, halos di na namin makausap ng maayos yung tita ko, laging tulala. Sinaksak pa siya ng ice pick pitong beses sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Pasalamat kami kasi nabuhay pa siya.

After the tragic events of our lives. My mom and dad decided that we were going to move out. They were afraid that the rest of them would come back to us.

Even though I don't like it, I can't do anything. This is how hard Adrian felt when he was forced to leave even though he didn't want to. Now I understand, that is not all that easy. If it hurts to be left behind, it is even more painful to leave. That's how I feel right now.

Before we left, I had to say goodbye to Adrian. I have to see him for the last time. So I decided to go to his house. I want to talk to him. When I knocked at their house. It was his mom who opened the door.

"Ikaw pala yan iha, gabi na ah. Ba't napasyal ka? Siguradong magagalit sayo si Adrian". Lalong gumanda si tita. "Kamusta na po kayo?" At bumiso ako sa kanya. "Nasaan po si Adrian?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako iha, nasa labas siya di kayo nagkasalubong? Inutusan ko kasi siyang bumili ng vitsin hihihi". Ang cute naman ni tita mahiya hahaha. "Pumasok ka muna, at babalik ako sa kusina kasi titingnan ko yung niluluto ko". Ayaw niya ulit sa akin.

"Okay lang ako dito tita, dito ko na lang po siya hihintayin. Di rin naman po ako magtatagal". Ngiti kong sabi. "Sige iha, papasok muna ako ah? By the way, mas gumanda ka ngayon ah". Masayang sabi ni tita. Nginitian ko na lang siya.

While I was waiting for Adrian. I sit on the stairs and encourage myself. I was nervous, I didn't know how he would react when I told him.

"Mary Claire, bakit nandito ka sa labas at di ka pumasok sa loob?" Hindi ko napansin na dumating na pala siya.
Lumapit siya sa akin at kinapa yung noo ko "Hindi ka naman mainit pero bakit ganyan ang pagmumukha mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo". Yan ang dahilan kung mahal ko siya. Mabait na nga, maalaga pa. Paano ko ba sasabihin sa kanya to?.

"Adrian?" Mahina kong sabi. "Bakit ka umiiyak?" Di ko na napigilan yung mga luha ko. "Sandali lang ibibigay ko lang tong binili ko kay mama babalik agad ako" tumakbo siya papasok sa kusina habang ako nagpupunas ng sipon at luha ko. Naramdaman kong nakabalik na siya at may dalang panyo. Bakit ba ang bait ng lalaking to.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry, sorry, sorry". Habang umiiyak pa rin ako. Iniharap ako ni Adrian na may pagttataka sa mukha niya "Bakit ka nag-so-sorry?" Nalilito niyang sabi.
"Di kita maintindihan, pwede kumalma ka muna?" Pagpapakalma niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Lilipat na kami ng bahay". Sabay yuko ko ng ulo. Nagulat siguro siya kasi di siya agad nagsalita. Kaya inulit ko ulit yung sinabi ko "Lilipat na kami ng bahay". Yung pakiramdam na parang sinasaksak yung puso ko? Ang sakit makitang umiiyak na naman siya dahil sa akin. Mas doble ang sakit sa akin eh.

"Prank lang naman to di ba? Gino-good time mo lang ako di ba?" Nahihirapan niyang tanong sa akin. Kung sana lang biro lang ang lahat. Kung sana lang. Nang makita niyang di ako sumagot nagtanong siya, "Kailan ang alis nyo at saan kayo lilipat?" Habang pinupunasan niya yung mga luha niya.

"Sa Pasig City daw, sa pagkakaalam ko bukas ng gabi kami lilipat, nag-iimpake na nga sila ng mga gamit namin. Sinadya kong pumunta dito para magpaalam sayo. Alam mo naman yung nangyari sa amin di ba? Natatakot sina mama na baka balikan kami ulit ng mga kasamahan ng mga nagnakaw sa bahay. Baka mas malala pa ang mangyari". Huminto ako sa pagsasalita, bigla akong natawa ng mahina. Tawa ng taong nasasaktan.

"Akalain mo nga naman, noong una galit na galit ako sayo kasi iiwan mo ko, kahit valid reason yung sayo. Pero tingnan mo ngayon bumalik ang lahat". Nagsisimula na namang tumulo yung luha ko, kahit anong pigil ko di ko kagawa.

"Pero hindi ibig sabihin non eh di na tayo magkaibigan di ba? Mamimiss kita ng sobra kayo ni tita. Sana kahit matagal tayong di magkita sana di mo ako makalimutan tulad ng hindi ko paglimot sayo noong panahong iniwan mo ako. Alam kong maraming mga taong papasok at dadating pa sa buhay mo na higit pa sa akin, pero sana di yun magiging rason para makalimutan mo ako, makalimutan natin ang isa't isa di ba?". Mahabang sabi ko sa kanya habang nakatingin ako ng diritso sa mga mata niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. "Ngayon ko lang sasabihin ito sayo. Gusto kong malaman mo na mahal na kita Adrian". Talagang nagulat siya, di na siya sumagot sa akin. Kaya naman ginamit ko ang pagkakataon na yun para umalis. Bago ako umalis, hinalikan ko siya sa mga labi niya at niyakap mg mahigpit.

Nang makarating ako sa gate ng bahay namin, ipinangako ko sa sarili ko na babalik ako dito, babalikan ko siya tulad ng pangako namin sa isa't isa, sa pagkakataong ito ako na naman babalik dahil sa panahong iniwan mo ko, tinupad mo yung pangakong babalikan mo ko.

Nakapagpaalam na rin ako kahaponnl kina Anna, Marie at Troy. Ayun nag-iyakan lang naman kami.

Sa mundong ito, napagtanto ko na tayo ay mga kawal, na nakikipaglaban at nakikipagsapalaran sa buhay. Sadyang madaya ang mundo, dahil ayaw niyang maging masaya ako. Sa ngayon, panalo ka pero sa susunod sisiguraduhin kong ako naman ang mananalo.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now