Chapter 27: Official na pala kami?

176 11 0
                                    

"Goodmorning manong guard" at nakipag apiran ako sa kanya. "Maganda ang gising natin ngayon ah?" Nakangiting sabi ni manong guard, close ko na siya minsan nga nakikipagbiruan pa ako sa kanya hahaha.

"Wala naman manong guard, maganda lang ang araw na to' para sa akin." sagot ko sa kanya. Di ko alam bakit ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

"Maaaaaary Claireeeee!" Sigaw ng mga mahaharot kong frenny. Tinarayan ko lang sila "Guys, ang aga-aga ang lakas ng boses nyo, tinalo myo pa yung bell natin dito sa school eh" naglalakad na kami papuntang canteen, routine na namin to. "Oh anong problema at sumisigaw kayo? Kalma lang alam kong maganda ako pero hindi ako bingi" pagbibiro ko. "Kwento ka naman, anong pakiramdam na ikaw ang may pinakamaraming kiss sa laro nating spin the bottle, for sure kinikilog yang puday mo" kinikilig na sabi ni Shiryl. Ang bastos ng babaeng ito. Anong puday?

"Bukod sa malagkit yung mukha ko dahil sa dami ng laway, wala ng iba" simple kong sagot. Tumawa lang sila ng tumawa. Kahapon ko pa hindi nakikita si Jheru, kaya nagtanong ako sa kanila. "Nakita nyo na si Jheru?" Sabay silang sumagot ng wala kaya naman inaya ko silang hanapin namin si Jheru.

"Baka late lang yun" sabi ni Eloisam di naman yun nala-late ee. "Ikaw talaga, kulang na lang itali mo na si Jheru sayo eh noh?" Sabat ni Elvira. Habang naglalakad kami sa campus, maraming bumabati sa akin ng congrats. Kaya naman nilingon ko sina Elvira "Sabihin nyo nga sa akin kung ano ang nangyayari? Bakit panay bati sila ng congrats sa akin? Sa pagkakatanda ko wala akong sinalihan ng beauty pageant or singing contest" nakapamaywang kong sabi.

Hindi pa sumasagot sina Shiryl, lumapit sa amin si Joanna kasamahan ko sa sayaw "Congrats ngabpala sa inyo ni Janiel" natulala ako sa sinabi niya. "Pakiulit nga ng sinabi mo?" Si Eloisam ang nagtanong "Congrats kina Mary Claire at Janiel kasi sila na". Kailan pa? Bakit di ko alam? Di ko namalayan umalis na si Joanna at tinapik ako sa balikat ni Elvira "Okay ka lang?" Umiling ako. Di ko alam paano ako nakarating sa room, lutang ako eh.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora