Chapter 53: Complicated

145 12 0
                                    

Mary Claire Pov's

Recess namin ngayon kaya magkasama kami ni Nicolai sa classroom namin date-date din kapag may time hahahahaha. Sa isang relasyon hindi talaga mawawala ang tampuhan, selosan at away noh? kaya ito kami may hindi pagkakaintindihan ng konti.

"Mary Claire, sino si Jheru?." tanong ni Nicolai sa akin. "Di ba nung una pa lang sinabi ko na sayo na bestfriend ko siya?" sagot ko naman sa kaniya. "Eh bakit lagi mo siyang binabanggit at kinukweto, lagi mo na rin siyang bukambibig?." Naiinis pa niyang sabi sa akin. "Ano ka ba, syempre importante siya sa akin." paliwanag ko sa kaniya. "Eh! bakit pakiramdam ko siya pa rin ang mahal mo?." confirmed na nagseselos nga siya kay Jheru.

"Anong mahal ko pa siya naririnig mo ba sarili mo? Oo as a friend pero ikaw ang mahal ko. Sige para di ka na magduda iku-kuwento ko sayo. Sino si Jheru sa buhay ko? siya lang yung lalaking itinuring akong prinsesa lahat ng gusto ko ginawa niya, unang-una sa lahat iniwan niya yung girlfriend niya for me, nasira ang friendship nila nina Nikki at Janiel kasi mas pinili niya ako kaysa sa mga kaibigan niya. 4 years na din siyang nanligaw sa akin pero never naging kami. Siya ang kasama ko sa lahat sa kulitan, tawanan, iyakan pati nga sa problema ko hinahatian niya ako wag lang akong mahirapan" huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita ulit. "Naaalala ko pa nga dati siya ang taga-sulat ko siya ang taga-drawing ko, siya ang sumasagot sa lahat ng mga assignments ko at sa mga quizzes ko" napangiti ako bigla habang naiisip ko yung mga nangyari sa amin dati ni Jheru. "Pinagpapalit pa nga niya papel namin para lang wag akong bumagsak. Lagi niya akong pinagtatanggol kapag may naninira sa akin o umaaway, siya rin yung dahilan kung bakit sa loob ng 2 years libre ako sa recess pati sa uwian nililibre nya rin ako. Siya pa nga ang taga-hatid ko, mas inuuna niya ako kaysa sa sarili niya. Ito pa ang nakakaproud sa kaniya, pinagmamalaki niya ako sa lahat. Kinakalat niya sa buong campus na naging kami kahit hindi para lang walang manligaw sa akin na iba. Nagseselos siya kapag may close akong ibang lalaki ang gusto kasi niya siya lang.  Nagtatampo siya kapag may tinatago ako sa kaniya. Lahat ng gusto ko o iutos ko ginagawa niya kahit ayaw niya, never ko siyang narinig na nagreklamo at nagalit sa akin" tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan ko si Nicolai na seryosong-seryosong nakikinig sa mga sinasabi ko kaya naman pinagpatuloy ko yung pagku-kuwento.

"Kaya nga naalala ko yung sinabi ng friend ko na si Eloisam, tanong ko lang Mary Claire kailan ka niya pinabayaan? kailan ka niya iniwan? kailan ka niya pinagpalit sa iba? kailan ka niya pinaiyak? at higit sa lahat kailan ka niya sinaktan? di ba ni minsan hindi niya ginawa sayo yun. Ang swerte mo sa kaniya kung alam mo lang mismo nga ako naiingit eh! kasi kahit hindi na kayo magkaklase never niyang nakalimutan na dalawin ka sa room nyo makita lang niyang okay ka, halos kayo na nga nagsasabay magrecess" tumingin ulit ako sa mata ni Nicolai "Kaya sana Nicolai, wag ka ng magselos sa kaniya ah? kasi tulad ng sabi ko sayo hindi naging kami." mahaba kong pailiwanag, para di na siya magduda sa akin. Ang hirap pala kapag may boyfriend kang seloso, pero ang sarap sa pakiramdam.

"Oo, naiintindihan na kita ngayon, sorry di ko kasi maiwasan na magselos sa kaniya eh." Nakanguso pa niyang sagot, oh di ba? inamin rin niya hahaha. "Okay lang yun, ang importante alam mo na ngayon, I love you Nicolai." sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mismong mata niya, para mabawasan yung selos na nararamdaman niya.
"I love you too." sagot niya sabay yakap sa akin.

Kinahapunan

Yeeeees! uwian na excited na ako umuwi, habang nakasakay ako ng tricycle, maya't-maya nakareceived ako ng text galing kay Nicolai dali-dali kong binuksan yung message niya sa akin, nang mabasa ko nawala yung ngiti ko at kinabahan ako bigla.

From: Kulletz

"Mary claire, salamat sa lahat-lahat, sorry nga din pala ah? sana maging friends pa rin tayo. Break na tayo kasi alam kong hindi naman ako ang mahal mo kundi si Jheru." Maluha-luha kong binasa ito ulit, hindi ako makapaniwala. Okay naman kami, nag-usap pa nga kami ng maayos, sabi pa nga niya naiintindihan nya ako pero bakit ganito ang text niya sa akin? Ang sakit-sakit. Halos manghina ako, ang nakakatawa pa niyan wala pa akong load that time kaya nangutang ako kay Hazel ng 50.00 pesos. Ang swerte ko kasi kahit nagawa ko siyang saktan at agawin ang crush niya ee' nandyan pa rin siya sa tabi ko. Kaya Nicolai, makunsensya ka naman. Nang maka-registered na ako dali-dali ko siyang tinawagan.

"Hi-hello Nicolai?." naiiyak kong tawag sa kaniya sa kabilang linya.
"Oh, bakit ?"  iba ang boses niya ngayon, parang galing siya sa pag-iyak. "Anong ibig mong sabihin sa text totoo ba yun?" kabado kong tanong, ang tagal nyang sumagot kaya naman lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos.

"Oo, kasi naman--."  di ko siya pinatapos. "Wag mo naman gawin sa akin to oh please?." umiiyak na ako habang nagmamakaawa sa kaniya. "Kasi naman wala kang tiwala sa akin, bakit mo laging sinasabi na doon na lang ako kay Alexa?." God! naiba na naman ang usapan. Bakit nasali sa usapan ni Alexa? Tapos na kami sa issueng yun. Nakakapagselos din kaya, ako ang girlfriend tapos biglang sasabihin sa akin ni Alexa na layuan ko daw ang boyfriend niya na si Nicolai. Asa. Pero natigilan ako sa naisip ko at napatanong sa sarili ko, so ganito pala ang nararamdaman ni Nicolai sa tuwing nagseselos siya kay Jheru? Peste! Masakit nga.

"Shhh, promise di ko na uulitin yun, wag mo lang akong iwan please?! gusto mo malaman kung bakit ko sinabi sayo yun? kasi nagseselos ako." wala na akong ibang dahilan para di siya mawala sa akin. "Pero di ba sabi ko na ikaw lang ang mahal ko?." tanong niya sa akin. Parang may mali eh! "Oo, sige na! naniniwala na ako sayo wag mo lang akong iwan ah?."- umiiyak na talagang sabi ko, wala akong pakialam kung naririnig ako ng ibang nakasakay dito sa trycicle, parang awa mo na wag mo kong iiwan. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya bago siya nagsalita "Sige , wag ka na rin umiyak." kaya naman tumigil na ako sa pag-iyak at napangiti, kaya naman inayos ko na yung itsura ko at pinunasan ko na ang mga luha ko.
Nagpaalam na siya sa akin, kaya naman ipinasok ko na sa bag ko ang cellphone kong di keypad hahaha.

Pagkarating ko sa bahay, dumiritso na ako sa kwarto ko at humiga agad ako sa kama, di ko na nagawang magbihis, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Bigla ko na naman naisip yung mga nangyari sa amin nina Alexa. Bwesit talagang babaeng yun, sinugod-sugod ba naman ako sa classroom at sinabing siya daw geeerlpren ni Nicolai. Hindi naman pala, ambisyosa yung isang yun. Naiinis akong bumangon at nagbihis.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon