Chapter 48: Farewell to you my friend

163 10 0
                                    

Mary Claire Pov's

Kanina pa ako gising pero hanggang ngayon nakahilata pa rin ako sa kama, pakiramdam ko anytime lalagnatin ako. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, 3 weeks nong huli kaming nag-usap ni Eloisam sa oval. Nag-iisip pa ako kung ano ang gagawin ko ngayon, di muna ako papasok sa first and second subjects ko.

"Paano ba yan Mary Claire, last day mo na ngayon dito?" Tanong sa akin ni Jenny, nandito kami sa tambayanan namin malapit sa flag pole.
"Oo nga, sayang" may panghihinayang kong sabi "Wala ka ba talagang balak na magpaalam sa kaniya?" Si Jessica naman ang nagtanong, ang tinutukoy niya ay si Jheru.

"Ewan ko, basta susulitin ko itong araw na to, gagawin kong memorable." sabi ko na lang sa kanila. Alam na nila ang tungkol sa pag-alis ko. Nasabi ko sa kanila noong nakaraang sabado.

Pero yung taong pinakamahalaga sa akin, siya pa ang walang kaalam-alam ang saklap. Natturingan pa naman akong bestfriend niya tapis nagawa ko pang maglihim sa kaniya. Kaya di ko siya masisisi kong dadating yung araw na kinatatakutan ko, yun ay ang kalimutan niya ako o magalit siya ng sobra. Mismo mga classmates ko di rin nila alam baka kasi kumalat mahirap na. Nagpasalamat na pala rin ako sa mga teachers at adviser ko, sa mga coaches namin sa cheerdance.

First time kung pumunta ngayon sa classroom nina Jheru kaya magugulat talaga yun. Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko na yung lalaking minamahal ko ng palihim sa mahabang panahon.

"Jheru" tawag ko sa kaniya at kumaway ako. Parakbong lumapit siya sa akin at walang sabi-sabing hinila ko siya sa canteen hahaha! magpapalibre ako ulit sa kaniya sa huling pagkakataon and this time bubutasin ko na talaga ang bulsa niya, pero joke lang yun kasi ako naman ang manlilibre sa kaniya.

"Oh Mary Claire, bat dito mo ko dinala. Wag mong sasabihin na magpapalibre ka na naman at talagang mamumulubi ako sayo ulit." pagbibiro niya sa akin.

"Oo, kasi gutom na ako. Pero gusto ko ang kakainin ko yung mga gusto mo, kaya ikaw ang mamimili ah? kahit ano damihan mo kung gusto mo. Basta lahat ng gusto mong pagkain hehe." sabi ko sa kaniya. Ang weird ba? At ang mukha niya parang na-bankrup hahaha. Nang hindi pa siya gumagalaw at nagsasalita, tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa pisngi "Thank you for friendship, for everything moo" at lalong lumaki yung mata niya dahil siguro sa ginawa ko kaya naman hinila ko na siya hahaha.

Nagsimula na siyang kumuha ng malalaking oishi, roller coaster, clover, cheezy, patata, nova and piatos. Sa biscuit naman ay, cream-o, fita, skyflakes, rebisco. Sa inumin ay zest-o, c2 na pagkalaki-laki at di niya pinatawad kumuha din siya ng mga candy. Grabe ganito pala katakaw ang isang to' kulang na lang buong canteen na ang hakutin niya. Tsk! dapat di na lang ako pumayag, kasi feeling ko ako ang mamumulubi sa lalaking ito ngayon. Huhuhu! somebody help me please?!

"Mary claire, tapos na." masaya niyang sabi. "Yan lahat?" Mauubos mo ba talaga ang lahat ng yan? Baka mamaya pinagtri-tripan na nama ako eh. "Oo naman, kaya nga hawak-hawak ko di ba?" pamimilosopo pa niya sa akin. "Ahhh-ehh! nagbibiro ka ba?"  tanong ko sa kaniya, naninigurado lang naman ako.

"Hindi no, ito talaga lahat ng paborito ko kaya dapat mauubos mo to ah?" ngiting-ngiti niyang sabi, hindi niya lang alam na para sa kaniya yun! Lumalabas na naman pagiging abnormal nito. Canteen to hindi grocery.

"Ahh okay, sige bayaran mo na." yun na lang sinabi ko grabe buti dala ko one thousand pesos kung hindi patay kang bata ka. "Sige, wait mo ko ah?" at talagang babayaran niya ah? mayaman si bestfriend. Ito yung sinasabi sa akin ni Eloisam, na masasaktan ko talaga ng sobra si Jheru kapag wala na ako dito.
Nabigla siya ng maglabas ako ng 1000.00 pesos.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon