Chapter 25: Spin the bottle

181 13 4
                                    


Dalawang araw na lang, we had a Christmas party so we didn't have class. Our other classmates practiced dance, song and so on. Dahil wala kaming pakinabang sa loob, pinalabas kami ng magaling naming adviser habang sila ay inaayos at pinapaganda ang classroom. Dahil bawal umalis sa kinauupuan namin kasi minus five, naisipan nina Mary Chris na maglaro ng spin the bottle. Kahit wala akong ideya sa larong ito, pumayag ako. 

Ang kasali sa larong ito ay ako, Mary Chris, Shiryl, Eloisam, Janiel, Nikki, Elvira, Jared, Choi at Abigail. Ipinaliwanag sa amin kung ano ang mangyayari sa larong ito. "Ano pa hinihintay natin, simulan na natin. Pinaikot na ang botelya at tamang-tama tumapat ang botelya kay Mary Chris, at inutusan siya ni Elvira na halikan sa pisngi si Nikki at ang gaga kilig na kilig kasi crush niya si Nikki natatawa ako habang nakangiwing nakatingin sa akin si Nikki hahaha. Pinaikot na ulit ang botelya at tumapat ito kay Elvira, at inutusan siya ni Shiryl na halikan niya si Nikki. 

Bakit kasi umabsent ngayon si Jheru, kung kailan kailangan ko siya eh. Badtrip! paano na kapag tumapat sa akin ang botelya. Patay. Habang tumatagal, pabibo ng pabibo at palakas na palakas ang hiyawan, asaran at tawanan namin. Ang saya pala ng larong to hahaha. 


Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara