chapter 20: They are the campus crush?

191 11 0
                                    

Pumasok ako ngayon, kahit alam kong mainit pa rin sa iba ang nangyari sa akin kahapon sympre, di ko ipapakita na affected ako sa mga nangyari. Kaya ito nakaupo at nagmumuni-muni, ng lapitan ako nina Elvira and Shiryl.

"Mary claire, okay ka lang ba?"  Tanong ni elvira. "Oo naman Elvira, bakit hindi." Pilit kong ngumingiti. "Alam mo Mary claire, may alam akong kung sino ang pwedeng gumawa sa iyo ng mga yun" parang sigurado si Shiryl na alam kung sino ang gumawa non.

"Huh, sino naman?" nagtaka naman ako.
"Sina Abigail Diaz at mga kaibigan niyang mga haliparot" sagot ni Shiryl.
"Huh, sino siya?" di ko naman kilala yan eh. Wala akong ideya. Di ko nga alam kung nakita ko na yun.

"Taga kabilang seksyon yun. Kasi, crush na crush niya si Janiel nalaman siguro niya na nanliligaw sayo, kaya ayun." Paliwanag ni Shiryl."Huh? Di naman siguro" masamang magbintang.

"Wala ng ibang gagawa non, siya lang naman yung pangit ang ugali dito". Pagtataray ni shiryl. Halatang may galit siya sa Abigail na yun.

"Si Janiel lang pala ee' di sa kanya na, isaksak ko pa sa baga niya eh." inis kong sabi. "Atsaka hindi ko naman sinabi na ligawan ako ni Janiel boba pala siya."  naiinis kong sabi. Napahamak pa ako dahil lang kay Janiel, tsk!

"Bakit di mo na lang awayin or prankahin?" Grabe nagsuggest pa siya. "Ano ka ba, di ka ba nag-iisip? kung aawayin ko siya ako ang lalabas na masama at guilty." Napaisip naman si Elvira.

"Oo nga noh?" sagot naman niya, di kasi nag-iisip ng maayos. "Basta ang importante hindi alam nina Jheru kung anung nangyari at sino ang gumawa di ba?" sabi ko.

May sinabi akin si Shirly na hindi ko alam. "Alam mo kasi Mary Claire, bakit ka nakipagkaibigan kina Janiel?" sermon sa akin ni Shiryl.

"Wala namang masama di ba? Mababait naman sila eh" pangangatwiran ko. "Hindi nga masama pero, hindi mo ba alam Mary Claire na sila lang naman ang campus crushes." paliwanag ni shiryl.

"Whaaaaaat?" Sa gulat ko napasigaw ako. Buti na lang konti lang kami dito sa classroom. "Shhh! Mary Claire, hinaan mo nga boses mo pwede? may makarinig sayo eh! nakalunok ka ba ng super ultra megaphone? grabe ang tindi!" pang-aasar ni Shiryl.

"Oo sila nga, kaya wag kang magtataka kung bakit ang dami mong haters. Kasi, sayo lang sila nagkaganyan. Isang babae lang ang pinag-aagawan." Dugtong ni Elvira.

"Bestfriend ko si Jheru". Di naman pwede na iwasan ko siya dahil lang doon. "Di namin alam kung shunga ka eh! At wala kang alam?" Di makapaniwang sabi ni Shiryl. Eh sa wala talaga akong alam.

"Kung campus crush sila, bakit hindi nila sinabi sa akin?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kanila.
"Aba! malay namin" at nagkibit balikat na lang sila. Hindi na namin natapos yung pagkukuwentuhan dahil dumatinfg na yung teacher namin. 

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ